Prelude.

5.2K 77 7
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, events, places, etc. are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or to actual events are purely coincidental.

Fate & Chance by missprettychinita ©

PLAGIARISM IS A CRIME. PLEASE DO NOT COPY.

All Rights Reserved 2014.

-------------------------------------------

Nananahimik akong nakaupo dito sa swing habang nagbabasa ng libro nang bigla na lang akong gulatin ng bestfriend ko mula sa likod.

"HUY!"

"AHH!"

Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang libro at napahawak sa may dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Syempre, ginulat ako, eh.

"Hahaha," Tawa niya. "Makita ko lang ang epic mong mukha ay natatawa na ako." Sabi niya at naupo sa isang swing na bakante.

Inayos ko ang salamin na suot ko at pinulot ang libro na nahulog sa lupa at pinaghahampas yun sa kanya.

"Ang yabang yabang mong lalaki ka!" Sigaw ko.

"Araaaay! Aww! Ouch! Aruuuy-Masak-ARAY!" Daing siya ng daing hanggang sa mapagod ako.

"Halaka, Fate," Sabi niya. "May bukol ako." Sabi niya habang hinahawakan ang parte ng ulo niya na pinaghahampas ko kanina.

"Hmp! Wala akong paki." Sabi ko at binalik ang atensyon sa pagbabasa.

"Aruuuy! Masakit talaga yung bukol, Fate, huhu." Daing niya.

Syempre, dahil hindi ko matiis ang mokong na ito ay agad akong tumayo at nilapag ang libro ko sa swing. Madali ko namang hinawakan ang sinasabi niyang 'masakit'.

"Masakit ba talaga?" Tanong ko. Tumango siya. "Ikaw naman kasi, eh. Ginugulat mo ko." Sabi ko.

Pero bakit parang may mali? Bakit parang wala naman akong nararamdamang bukol sa ulo niya? Agad ko rin namang napagtanto na......

"Nakakainis ka talaga, Chance! UGH!" Nanggagalaiti kong sigaw.

Humalakhak lang siya sa tawa. Sa sobrang tawa niya ay nakahawak na siya sa tiyan niya. "Masakit ba talaga? Ikaw naman kasi, eh. Ginugulat mo ko." Ginaya niya ang tono ng boses ko at humalakhak ulit.

Sinapak ko na.

"Bwisit ka!" Sigaw ko at kinuha ang libro ko at humakbang palayo sa kanya. Nakakainis siya. Lagi niya na lang akong pinagtitripan.

"Mahal mo naman."

Natigilan ako sa sinabi niya. Agad ko namang narinig ang mga hakbang niyang palapit sa direksyon ko.

"Tara, laro tayong nintendo?" Pag-aaya niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hala?! Anong problema nito?

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon