Chapter 24: Grounded

925 22 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula nang pasukan. Minsan na lang din kami magkita ni Chance dahil busy siya sa barkada niya kaya si Bonnie ang madalas kong kasama tulad ngayon, Sabado ngayon, kasama ko si Bonnie dito sa isang parlor.

"Oh ayan! Ang ganda ganda mo na, Fate!" Sabi ni Bonnie sakin.

Tumingin naman ako sa salamin na kaharap ko.

Ako ba talaga ito?

"Tingnan lang natin kung hindi mainlove si Chance sayo." Bulong niya. Napatawa naman ako ng loka.

Kinausap niya muna ang nag-style sakin habang ako naman ay mainam na ineeksamina ang bago kong look.

Ang dati kong buhok na straight ay kulot na ang dulo at mayroon na din akong bangs. Hindi ko na din suot ang salamin ko dahil sa contact lens na ayon sa stylist ay yun na lang ang gamitin ko.

"Thank you talaga, Bonnie." Sabi ko nang makarating kami sa bahay.

"Sus! Wala yun! Ikaw pa!" Sabi niya.

"Sa tingin mo, Bonnie, mapapansin na ako ni Chance?" Tanong ko.

"Baka nga mahalin ka pa nun eh!" Sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Nagpahatid ako sa bahay. Driver naman ni Bonnie ang nagdadrive eh. Nagpaalam kami ni Bonnie sa isa't isa nang makarating kami sa bahay. Agad naman akong pumasok sa bahay at sinalubong ng mga tanong galing kay mama at papa.

"Anong mayroon at ganyan ang ayos mo, Fate?" Tanong ni mama.

"Kayo na ni Chance?" Tanong ni papa.

Natawa naman ako sa tanong ni papa. "Hindi po." Sabi ko.

"Eh bakit ganyan ang itsura mo?" Pag-uulit na tanong ni mama.

"Wala lang po, napag-isipan ko po kasing college na ako, kailangan ng bagong look dahil marami akong makakasalamuhang mga tao." Pagpapaliwanag ko.

Nagtinginan lang naman si mama at papa at parehas na nagkibit-balikat.

Tumaas muna ako sa kwarto para magpalit dahil kakain na kami.

"Kumusta naman ang college, hija?" Tanong ni papa.

"Okay naman po, pa." Sabi ko.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa matapos kaming kumain. Agad naman na akong umakyat sa kwarto ko. Medyo pagod rin kasi ako dahil feeling ko nilibot namin ni Bonnie ang buong mall kanina.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon