Chapter 8: Akala Na Naman Kasi

1K 29 4
                                    


Kumakain kami ngayon ni Chance sa McDo dahil nagtext si mama na mauuna na daw siya dahil nagkaroon sila ng urgent meeting.

Nung matapos kaming kumain ay napagpasyahan naming pumunta sa Tom's World.

"Basketball Mania?" Aya ng kasama ko.

"Sige ba!"

Agad kaming nagtungo kung nasaan ang Basketball Mania. Tig-isa kami ni Chance. Pataasan ng score. Dati kasi ay si Chance ang defending champion dito.

Nagsimula na. HAHA! Nakakatuwa nga dahil para kaming mag-syota sa paningin ng ibang tao maging ako ay ganun ang pananaw ko pero para dito sa isang ito, bestfriends lang kami.

200-199

Putcha! Dalawa na lang ay matatalo ko na si Aneng.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

Sinong panalo?

Eh di sino pa ba?

Walang iba kung hindi si..........

AKO!

Waaaaa. Ang saya ko, grabe! HAHA! Sa sobrang saya ko ay nagtatatalon na ako dito. Natigilan na lang ako nang makita ko si Chance na nakatingin sa isang direksyon. Tiningnan ko iyon kung sino at napagtanto kung bakit ganun ang reaksyon ni Chance.

Si Laura may kasamang ibang lalaki.

Pumunta ako sa harapan ni Chance. Nakita ko sa mga mata niya ang luhang pilit niyang pinipigilan sa pagtulo. Ayaw niyang makita ko siyang nasasaktan.

"Chance?" Tawag ko sa kanya.

No response.

"Tara," Sabi ni Chance at pinawi ang tumulong luha mula sa mga mata niya. Ito ang pangalawang pagkakataong nakita kong umiyak si Chance. Nung una ay nang malaman niyang may ibang babae ang papa niya. "U-uwi na tayo." Sabi niya.

"Ah, oh, sige."

Tahimik lang kami buong biyahe. Hindi ako sanay! Pilit ko mang mag-open ng topic na masaya ay hindi epektib.

Nakarating kami sa bahay ng tahimik. Hinatid niya ako sa bahay. Nagpaalam ako sa kanya pero ngumiti lang siya at nilagay ang parehong kamay sa magkabilang bulsa. Tumalikod siya at umalis na pero hinabol ko siya at niyakap.

"Bes," Tawag ko. Alam kong ikagugulat niya iyon dahil minsan lang kami magtawagan ng ganyan.

"Kung kailangan mo ng maiiyakan at masasandalan," Pinutol ko muna ang sasabihin ko. "Andito lang ako. Available na available, 24/7, at your service." Sabi ko. Narinig ko ang pagtawa niya pero may galo iyon ng paghikbi.

"Salamat talaga, Fate. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka. Kapag wala ang bestfriend ko." Sabi niya.

Grabe. Masakit pala, ano?

Masakit pala talaga marinig mula sa taong mahal mo na bestfriend mo na hanggang doon na lang kayo. Hanggang magbestfriends lang.

Lumipas ang ilang araw.

Bukas na agad ang prom.

Si Chance? Ayun. Parati na siyang malungkot. Nung isang beses ay nagtanong si Laura akin kung bakit daw ang lungkot at cold kung makitungo sa kanya si Aneng. Isasagot ko na sana ang nakita namin sa mall kaso pinakiusapan ako ni Chance na huwag muna sasabihin kay Laura.

"Ma, bayad po." Sabi ko at pilit na inaabot ang bayad ko sa unahan ng jeep.

"Bayad po." Pag-uulit ko.

"Bayad nga po, makikisuyo na po."

Aba't wala pa ring nakikinig sakin, ah!

"MANONG DRIVER! PAKISALO NGA PO!" Sabi ko at umambang ibabato na ang bayad ko ng bigla naman itong kinuha nung isang babaeng nasa harapan ko at inabot ang bayad.

Letsugas ns mga tao, ire! Porke't pangit ako dahil nakasuot ako ng malaking salamin at mukhang losyang ay hindi na papansinin. DISCRIMINATION, the fuck!

Bumaba na ako sa tapat ng Partridge University.

"Good morning." Bati ni Manong Guard. Ngumiti lang ako at pumasok na sa university.

"Ateng!" Lumingon ako dahil may tumawag sa palayaw ko nung nasa hallway na ako... Kilala ko na agad dahil siya lang ang tumatawag sakin niyan bukod kina mama, papa, Tita Gwen at Tito Hans.

"Oh?"

"May good news ako, Ateng!"

"Halata sa mukha mo, Aneng! Ano ba yun?"

"Okay na kami."

Ang aura kong masaya ay naging malungkot. Dapat maging masaya ako dahil ayus na ang bestfriend ko at ang girlfriend niya pero bakit parang hindi?

Ay!

Nga pala!

Mahal ko si Chance.

"Hindi ka ba masaya, Fate?" Tanong ni Chance sakin habang niyuyugyog ako. "Okay na kami!" Masayang sabi niya.

Ngumiti ako. "Eh?" Sabi ko. "Sino daw yung kasama niya?" Dagdag ko.

"Wala lang daw iyon. Kakilala niya noon. Hindi daw siya nakapagpaalam sakin dahil wala raw siyang load." Sabj ni Chance.

Tumango-tango lang ako. "Ah."

"Sige, Fate. Alis na ako. Hinihintay ako ni Laura eh." Sabi ni Chance at tumakbo na palayo.

Akala ko okay na eh.

Yun pala hindi.

Akala na naman kasi.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon