Chapter 38: Marshmallow

921 24 2
                                    

Nakakapanlumo ang mga titig ni Chance sakin habang kaharap ko si Scotty.

"Fate, may pag-asa ba ako? Sigurado ka na ba sa mga nararamdaman mo para sakin?" Tanong niya. Agad kong binaling sa kanya ang tingin.

"H-hindi pa rin ako sigurado, Scotty." Sabi ko at yumuko. "S-sorry."

Inangat niya ang ulo ko gamit ang hinlalaki at hintuturo niya. "Maghihintay ako, Fate." Sabi niya.

Umiwas na ako ng tingin kay Scotty. Tiningnan ko ang puwesto ni Chance kanina pero likod na lang niya ang nakikita ko.

Bumalik na sila sa mga kwarto nila. Hinatid ako ni Scotty. Hayaan na, katabi ko lang naman ang kwarto niya eh. Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto ni Chance na katapat lang ng akin.

"Mamaya, plano namin na magkaroon ng bon fire mamaya, sama ka, huh?"

Tumango ako at ngumiti. Pumasok ako at agad na nilapag sa upuan ang mga bag na ang laman ay puro pasalubong.

Binabagabag pa rin ni Chance ang isip ko. Para bang kinakalampag niya ang utak ko. Paulit ulit na parang sirang plaka ang mga sinabi niya dun sa amusement park. Pati rin ang mga titig niya sa tuwing mag-uusap kami ni Scotty.

Si Bonnie ang sumundo sakin sa kwarto ko. Nauna na raw ang iba kasama si Scotty dahil aayusin nila ang bon fire namin.

"Fate, pakiramdam ko talaga ay may gusto na sayo si Chance." Sabi niya nung kinuwento ko ang totoong pangyayari sakin sa McDo. "Maybe he's just afraid to tell his feelings because of your friendship." Sabi niya.

"Ayaw niyang irisk ang pagkakaibigan ninyo... Di ba nga, sabi nila, mas matagal ang friendship kaysa sa relationship."

Hindi na ako sumagot. Ayoko rin masira ang friendship namin ni Chance.

Masaya kaming binati ng mga nandun nung dumating kami ni Bonnie.

Umiitim ang langit pero nandyan pa rin ang mga bituin at ang buwan para may liwanag pa rin ito. At sa paglalim ng gabi ay lalong lumalakas ang alon ng tubig. Naririnig mo ang bawat hampas nito. Kita mo rin sa dagat ang repleksyon ng buwan.

Nakabalabal sakin ang kumot na dala ni Scotty. Halos lahat kami ay may balabal para panlaban sa lamig na dala ng hangin.

"Oh ano? Simulan na natin ang truth or dare?" Paguumpisa ni Felix. "Walang KJ, huh?"

Si Felix ang nauna, siya daw kasi ang promotor nito... Inutusan niya si Bonnie dahil dare ang pinili ng bestfriend kong ito. Ang inutos ni Felix kay Bonnie ay halikan siya sa pisngi. Si Bonnie yata ang tipo ni Felix.

"Fate." Pagtawag ni Bonnie sakin ay halos mabulunan ako sa marshmallow na kakasubo ko pa lang. "Truth or dare?" Nakangusong tanong ni Bonnie.

Kapag sinabi kong truth, baka kung ano pang itanong nitong may kinalaman samin ni Chance kaya huwag na... Kapag naman sinabi kong dare, baka kung ano rin ang ipagawa niya sakin kay Chance o di naman kaya kay Scotty. Mmm? Baka nga kapag sinabi kong dare ay si Scotty ang puntiryahin niya.

"Dare." Sabi ko. Nakita kong agad na nagbunyi ang mga mata ni Bonnie kasabay ng malapad na ngiti ng labi niya.

"Subuan mo ng marshmallow si..." Umikot pa siya sa buong bon fire habang nakaturo ang hintuturo.

Crossed fingers. Sana si Scotty.

Scotty.

Scotty.

Scotty.

"Chance."

Parang unti-unting akong gumuho. Kahit kailan talaga itong si Bonnie, maloko pa sa maloko.

Napatingin ako sa seryosong nakatingin sakin na si Chance. Malalim ang mga tingin niya. Napalunok ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobra! Para akong hinahabol ng rapist!

"Holy shit... I knew it!" Bulong ni Scotty. Napatingin ako sa kanya. Matama niya ring tinititigan si Chance na nakatingin sakin.

Kumuha ako ng marshmallow sa bowl na nakahain. Dahan-dahan akong tumatayo. Tahimik. Tahimik ang paligid. Bakit ganun? Ang ingay nila nung si Bonnie at Felix ang nasa hot seat pero bakit nung kaming dalawa ni Chance ay tahimik sila na para bang mainam nila kaming pinapanood.

Lumuhod ako sa unahan niya.

Nakabukaka siya pero nakapatong sa magkabilang tuhod ang magkabilang siko at nakahalukipkip.

Inistretch ko ang braso ko na may marshmallow. Nakatingin ako sa mga mata niyang tinitingnan rin ako pabalik.

Inawang niya ang bibig niya, sapat na para masubo ko sa kanya ang marshmallow. Dahan-dahan ko itong pinasubo ito sa kanya. Tumama naman ang daliri ko sa labi niya.

SHIT! ANG LAMBOT!

Kasing lambot ng marshmallow ang labi niya. Ano kaya ang pakiramdam kapag hinalikan ang labi niya? Sino kaya ang mga nakahalik na diyan sa malambit na labi na yan? Agad uminit ang pisngi ko sa mga naiisip ko.

Kasabay ng malakas na tuksuhan samin ang pagtibok din ng mabilis ng puso ko.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon