Chapter 23: Mahirap Na

960 28 0
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon. Akalain niyo, tatlong linggo na ang nakalipas.

Tatlong linggo na rin ang nakalipas simula nung sabihin sakin ni Laura ang dahilan kung bakit niya iniwan si Chance at hanggang ngayon ay hindi ko sinasabi kay Chance iyon. Ayoko siyang saktan. Kaya mas mabuti pang akin na lang muna iyon.

First day namin ni Chance ngayon bilang college students.

"May katabi ka?" Napatigil ako sa pagbabasa ko ng libro ng may magtanong sakin. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino.

Isang babae. Maganda siya. Makinis. Maputi. Matangos ang ilong. Mapungay ang mata. Mapula ang labi. Kulot ang dulo ng buhok at nakafull bangs.

Umiling ako. Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

"Ako nga pala si Bonnie." Sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti.

"Pipe ka ba?" Tanong niya na nakapagpatawa sakin.

"Hindi, no?" Sabi ko. Tumawa din siya. "Akala ko pipe ka eh." Sabi niya.

"Ako nga pala si Fate." Sabi ko. Nag-alok ako ng kamay. Kinuha niya ito.

"Simula ngayon, bestfriends na tayo! Bago lang kasi ako dito eh!" Sabi niya.

"Nako, may bestfriend na kasi ako. Si William Chance Gil." Sabi ko.

"Nu ka ba? Lalaki naman iyang bestfriend mo eh! Oh eh di ako ang girl bestfriend mo!" Sabi niya.

Ngumiti ako.

"Sige!"

Ngumiti lang din siya. Bigla namang dumating ang professor namin. Hahaha... Nakakatuwa palang kasama si Bonnie.

Kinwento ko din sa kanya na gusto ko si Chance, nung una ay pinagtawanan niya pero nung nakita niyang seryoso ako ay naniwala na siya.

"Bonifacia dela Vega ang tunay kong pangalan, sinunod kasi ng nanay ko ang pangalan ko sa tatay ko na Bonifacio." Pagpapaliwanag niya.

"Ako naman ay Evangeline, sinunod naman ng mga magulang ko sa pangalan ng Lola ko na Evangelina." Sabi ko.

"Grabe ang mga pangalan natin, ano? Mga sinauna!" Napasigaw siya.

"Is their any problem, Miss," Sabi nung prof. sabay tingin sa isang listahan. Siguro'y listahan ng mga nasa klase niya, "Miss dela Vega?"

"Wala po, Sir." Sabi ni Bonnie at humagikgik nang tumalikod ang prof. namin.

Kasama ko si Bonnie ngayong freetime. Sa pagkakaalam ko kasi si Chance ay hindi freetime ngayon. Ipapakilala ko nga dapat si Bonnie eh.

Si Peter naman ay sa ibang bansa na nagcollege. Nakakamiss nga yung kumag na yun eh. Wala na tuloy nag-aadvice sakin.

Dumaan ang ilang oras. Hindi ko namalayan, uwian na pala. Paglabas ko ng room ay agad kong nakita si Chance na nakasandal sa pader na katapat ng pintuan ng classroom habang nakasuot ng shades, leather jacket na sa loob ay isang V-neck na kulay puti at isang pants na bagay sa pangtaas niya. Grabe! Shit! Ang gwapo!

"Boyfriend mo?" Bulong ni Bonnie.

Umiling ako. "Bestfriend ko." Sabi ko.

"Yan si Chance? Eh kahit naman pala ako ay maiinlove eh." Bulong niya.

Hindi ko na lang pinansin ang huling sabi ni Bonnie dahil pre-occupied ang utak ko dahil kay Chance.

"Uwi na tayo, Ateng." Sabi niya.

"Ah, saglit lang, Aneng. Si Bonnie nga pala, kaibigan ko, Bonnie si Chance, bestfriend ko." Sabi ko.

Ngumiti lang si Bonnie. "So ikaw pala si Chance."

"Oo ako nga, bakit?" Tanong ni Chance. Ewan ko kung ako lang ba ang nakaramdam ng pagkainis ni Chance nang tanungin siya.

"Ah, tara na Chance, uwi na tayo." Sabi ko at hinila na si Chance.

Baka kasi madulas pa si Bonnie at masabing mahal ko si Chance. Mahirap na.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon