Chapter 54: Maid Of Honor

885 16 1
                                    

"Fate, may naghahanap na naman sayo." Sabi ni Ynna. Nilingon ko siya ng walang gana. "Sino?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. Kakatapos lang ng huli kong subject kaya tumayo na ako para tingnan kung sino na naman ang naghahanap sakin. Sana naman hindi si Chance. Hay! Tigilan mo na siya, Fate. Umaasa ka na naman.

Lumabas ako at nagulat sa nakita ko. Si Laura.

"Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong.

Lumunok siya at lumapit sakin ng isang hakbang. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya habang kinakalikot ang mga daliri niyang magkadaop-palad.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil bumabalik sakin ang mga nangyari noong gabing yun at dahil dun ay naiiyak na naman ako.

No! Stop all the crying, Fate! Tapos na! Alam mo na dapat! Gising ka na dapat sa katotohanan na hindi magiging kayo ni Chance!

"Saan?"

Sinagot niya ako na sa isang coffee shop daw na alam niya. Pumayag na ako para matapos na. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya. Ayoko rin naman kasing makipag-usap sa kanya. Iwas plastikan!

"Ano ba ang pag-uusapan natin, Laura?" Tanong ko nung maka-alis ang waiter na kumuha ng inorder namin.

Lumunok siya. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Fate... Gusto kong pag-usapan natin ang nakita mo nung gabing iyon..." Sabi niya.

Ako naman ang napalunok. Bigla yatang bumaliktad ang sikmura ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa galit o sa sakit na naramdaman ko.

"Kung inaakala mong nagkabalikan na kami ni Chance, pwes, nagkakamali ka... Maging ako ay nagkamali ng inakala..." Sabi niya at bahagyang tumawa ng malungkot. "Ikaw ang mahal niya, Fate. Ikaw na ang mahal niya at hindi ako."

Parang pinupunit ang puso ko sa mga oras na ito. Alam ko dapat natutuwa ako pero kasalanan ko ba kung sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon?

"Bakit pa ba natin pinag-uusapan ito? Hindi ba dapat masaya ka dahil hindi na kami? Masaya ka dapat dahil p-pwede na ulit kayo." Mahinahon kong sinabi pero ramdam ko ang panginginig ng mga bibig ko. Shit, Fate! Huwag ka ng umiyak! Tama na!

Tumawa ulit siya bg malungkot. Napansin ko ring pinunasan niya ang pisngi niya. Umiiyak siya?

"Yun na nga, e. Dapat nga masaya ako dahil pwede na kami. Wala ng hadlang. Hindi na matutuloy ang kasal namin ni Phillip at hindi na kayo ni Chance..." Sabi niya. Hindi na matutuloy ang kasal nila ni Phillip? Ano naman kaya ang dahilan? "Pero sa totoo lang, Fate, hindi ako masaya. Nalulungkot ako dahil nakasira ako ng isang relasyon. At gusto kong humingi ng tawad, Fate." Hinawakan niya ang kamay kong nasa lamesa.

"I'm sorry, Fate... I'm sorry... Kausapin mo si Chance... Buoin niyo ulit ang nasira niyong relasyon..."

Nagmamakaawa si Laura para kay Chance?

"Kaya kong magpatawad, Laura, pero hindi lang ngayon..." Sabi ko.

"I'm sorry, Fate... I'm really really sorry..." Umiiyak na siya.

"Bull that sorry thing! Sawa na akong makarinig ng sorry! Ano? Kapag nasasaktan, idadaan na lang sa sorry? Ganun na lang yun?" Pinakalma ko muna ang sarili ko. Baka mawalan ako ng control at makagawa ako ng eksena dito sa coffee shop. "Tinatanggap ko ang sorry niyo ni Chance, Laura... Pero hindi ko sinasabi na dahil nagsabi kayo ng sorry sakin ay tinatanggap ko na ang mga nangyari..." Sabi ko.

Kinuha ko ang bag ko at sinukbit yun. Tumayo ako at naglakad na papunta sa pintuan pero nagsalita si Laura kaya napatigil ako.

"Fate," Tawag niya. "... kung hindi niyo man mabuo ni Chance ang relasyong nasira ko, pwede bang buoin niyo ang friendship niyo?" Tanong niya. Huminga akong malalim. Nilingon ko siya.

"Paano namin bubuoin ang friendship namin kung nasira na yun simula nung iwan mo siya, Laura?" Hindi ko na inintay pa ang sagot niya at dere-derecho na akong naglakad palabas ng coffee shop.

Medyo malayo ang coffee shop na ito samin kaya nagtricycle na ako. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating ako sa bahay namin.

"O, Fate, dumaan nga pala dito si Chance..." Bungad agad sakin ni mama. Akala ko mayroon siyang business trip? Ah. Baka si papa lang ang natuloy.

"Bakit daw po?" Walang ganang tanong ko kay mama na nasa kusina at naghihiwa ng mga sibuyas.

"Ibinigay sakin ang invitation na ito." Sabi niya at inabot sakin ang isang envelope na puti.

Binuksan ko ang envelope. "Ano ito?"

Pumunta si mama sa lababo at naghugas ng kamay. "Wedding invitation ng Tita Gwen mo... Ikakasal na pala siya sa susunod na linggo..." Sabi ni mama.

Eh? Ikakasal na si Tita Gwen?

"Pupunta po ba tayo?" Tanong ko. Ayoko kasing makita si Chance.

"Of course, hija. Kaso ikaw lang ang makakapunta dahil hindi kami pwede ng papa mo next week... Marami akong inaasikaso sa opisina. Ang papa mo naman ay nasa business trip pa." Sabi ni mama.

"Huwag na lang kaya, ma?"

"Bakit ba? May problema ba kayo ni Chance?" Tanong niya. Umiling ako.

"O, yun naman pala, e! Atsaka hindi ka na pwedeng humindi dahil nagawa na ang susuotin mo." Sabi niya.

"Po? Bakit ako pinagawan?"

"Ikaw ang gagawing maid of honor ng Tita Gwen mo..."

"Ho? Sino ang may sabi?"

"Si Chance. Siya ang nagdaan nan, eh." Sabi ni mama at tinuro ng kutsilyo ang invitation na hawak ko. "Nasa taas na yung susuotin mo." Sabi ni mama.

Maid of honor ako? Kanino ikakasal si Tita Gwen? Ibig sabihin mayroon ng step father si Chance? Ano si Chance sa kasal? Best man? Shit!

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon