Chapter 13: Facts About Fate

1.1K 28 0
                                    

Last day of torture ngayon. Haha! Ang saya ko di ba?  Nandito naman kami ngayon ni Laura sa isang dress shop.

Napagplanuhan DAW kasi na bonding namin ni Laura ngayon habang bonding naman nung dalawang lalaki.

Kaya wala masyadong torture.

"Fate, ito oh," Tawag sakin ni Laura sabay pakita sakin nung dress na hawak niya. "Bagay sayo ito." Sabi niya at sinukat pa sakin.

Ilang oras din kami nagtagal dun sa shop na yun at dahil nga nakatayo lang ako habang pinapanood si Laura ay napagod at nangalay ang mga paa ko.

Naglalakad na naman kami ngayon dahil kakain kami. Ililibre daw ako ni Laura kaya makakatanggi pa ba ako?

"Anong kakainin mo, Fate?" Tanong ni Laura.

"Ah, Mocha frappe na lang atsaka isang cheesecake." Sabi ko.

Tumango lang siya at pumunta na sa counter. Nandito kami ngayon sa Coffee Galore.

Nung sa wakas ay dumating na si Laura ay umupo siya sa harapan ko. Sakto naman ang dating ng order namin.

"So," Sabi ni Laura at humigop ng Coffee frappe niya, "Tell me more about you, Ateng. Bukod sa magbestfriends kayo ng boyfriend ko." Dagdag niya.

So kailangan i-emphasize na boyfriend mo si Chance?

Uminom muna ako ng frappe.

"Ano ba yung mga gusto mong malaman?"

"Mmmm? Kahit ano. Facts about Fate, kumbaga."

"Well, ang buong pangalan ko ay Evangeline Fate Lizalde, commonly called as Fate. Ang palayaw ko ay Ateng. Tungkol naman sa personality ko, ah, mahiyain ako. I lack self-confidence and has a low self-esteem." Sabi ko.

"Haha! The total opposite of Chance, huh?" Biro niya.

Tumango ako.

"Pero mabait yun." Sabi ko.

"And that's why I love him."

"Huh?" Pagtataka ko sabay inom ng frappe.

"He's showy and flashy but he never forgets to be humble." Sabi niya at bumungisngis.

"Oo nga, ganun si Aneng."

"Aneng?"

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon