Chapter 26: Changes

958 26 1
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula nang mangyaril iyon. First month ko in college tapos ang dami agad nangyari. Hindi pa tuloy ako makafocus sa pag-aaral dahil sa sakit at bigat na nararamdaman ko.

"Hi, Fate!" Bati ni Bonnie.

"Hi." Walang gana kong sabi.

"Problema mo? Umagang-umaga ang lungkot ng aura mo?" Umupo siya sa tabi ko.

"Hindi pa rin kasi ako pinapansin ni Chance eh. Isang buwan na, Bonnie." Sabi ko at nilahad sa mukha niya ang index finger ko.

Tinabig niya iyo gamit ang kamay niya. "At isang buwan ka na ring nagiging tanga kay Chance. Tumigil ka na nga, Fate." Sabi niya at inirapan ako.

Matapos ang sermon sakin ni Bonnie ay natanaw ng mata ko ang isang lalaking may akbay na isang babaeng maganda. Malayo ito sa itsura ni Laura pero malakas ang dating. 

"Oh! Yung bestfriend mo may bagong babaeng kinababaliwan." Sabi niya. 

"Anong pangalan nung babae?"

"Balita ko, ang pangalan niya ay Cassandra Buenaflora." Sabi ni Bonnie. "At siya yung bagong kinahuhumalingan ng bestfriend mo."

"Paanong kinahuhumalingan?"

Eh kasi parang last last week mayroon siyang tatlong babaeng nakakasama, nung last week naman may limang babae siyang kasama. Like, Chance is turning into a playboy. And I don't like it.

"Hindi mo pa ba alam? Tsk tsk." Sabi niya at umiling-iling. "Sila na ni Chance. Kalat na kaya sa facebook. Online online din kasi pag may time." At inirapan niya ulit ako.

Ewan ko ba pero kumikirot na naman ang puso ko dahil sa mga narinig ko kay Bonnie. Matapos kay Laura may Cassandra naman? Tsss... Yung iba dates pero ito? May commitment kasi nga sabi ni Bonnie, sila na.

Natapos ang dalawa kong klase. Nakikinig na ako at naiintindihan ko na pero may times na sumasagi pa rin sa isip ko ang mga balita'g nakalap ko kay Bonnie.

Bigla kong natanong ang sarili ko, 

Playboy na ba si Chance?

Naglalakad ako sa hallway nang makita kong naglalakad din si Chance kasama si Cassandra. Kasama nila ang tatlong lalaki at dalawang babae.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Dahil ba sa kagwapuhan ni Chance o sa selos na nararamdaman ko sa mga oras na ito?

Nagulat ako nang nilagpasan lang nila ako. Ni Chance. Grabe! Iba talaga ang nadudulot ng sakit sa pag-ibig, nagagawa niya baguhin ang isang tao'ng malambot noon.

Pain can really change people. No. Mali. Love can really change people. Love changed my bestfriend.

Maging ako ay nabago ng pag-ibig. Kung dati wala akong pakielam sa itsura ko ngayon nagawa kong mag-ayos.

Kinabukasan ay agad bumlandra sa mukha ko si Chance at Cassandra. Hindi ko kinaya ang kasweetan nila kaya nagtungo agad ako sa CR.

Sanay naman ako sa mga ganyan gawa ni Laura pero ewan ko ba ngayon at sinusumpong ako.

Napatuon ako sa lababo. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang sarili sa salamin. Inayos ko ang buhok ko gamit ang kamay ko.

Bigla namang bumukas ang pinto. Kita ko ang mga m mukha ng pumapasok gawa ng salamin. At ang pumasok ay si Laura. Nanlaki ang mata niya at saglit na napako sa kinatatayuan. Narealize niya siguro'ng walang mangyayari kung tutunganga siya kaya pumasok na siya. Dalawang lababo lang ang pagitan namin.

"Masaya ka ba, Laura?" Tanong ko. Napatingin siya sakin. "Masaya ka ba at nasaktan mo si Chance sa harap ng maraming tao?" Tanong ko.

"Hindi ako masaya, Fate. Nasasaktan ako at nasaktan ako nung ginawa ko yun pero kinailangan kong gawin yun dahil kaharap ko si Phillip." Sabi niya.

"Palabas lang ba ang lahat, Laura?"

"Matagal mo ng alam na palabas lang ang lahat, Fate."

"Kasama ba sa palabas mo na saktan si Chance sa maraming tao?"

"Hindi. Pero wala akong choice, kailangan kong ga-"

"That's bull, Laura! Alam mo bang Chance is turning into a playboy?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Siguro'y inaabsorb ang mga sinasabi ko. "Your so stupid to let him go, Laura."

Nagulantang ako ng dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Sinampal niya ako.

"Don't call me stupid 'cause you don't know what I feel." Sabi niya at umalis. Naiwan ako dito. Hinawakan ko ang pisngi'ng sinampal ni Laura. Ang sakit! Pero wala pa ito sa sakit na nararamdaman ko dahil kay Chance.

That was my first time to be slapped by someone. Ni mga magulang ko hindi ako pinagbubuhatan ng kamay eh.

"Hey! Fate? What happened to your right cheek? Bakit ang pula?" Nagtatakang tanong ni Bonnie. Andito kami sa cafeteria ngayon.

"Ah, wala, nakagat ng lamok."

Napakunot naman ng noo si Bonnie sa sinabi ko pero nagkibit-balikat din.

"Nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"

"That Chance and Cassandra broke up?"

"Huh? Na naman? Eh kanina pagpasok ko ang sweet sweet nila ah?"

"He's William Chance Gil and he's turning into a freaking playboy for pete's sake." Sabi ni Bonnie.

"Ugh!" Sabay sabunot sa buhok ko. "What will I do to change Chance again?" Tanong ko.

Tumingin si Bonnie sa may pintuan ng cafeteria. Kaya napatingin din ako. She was looking at Chance. Si Chance na may kasama na namang babae.

"Mukhang wala na yatang magpapabago sa bestfriend mo." Sabi niya.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon