Chapter 12: Sumakit Yung Mata

1K 27 6
                                    

"Ateng, halika na!" Aya sakin ni Chance. Nandun na kasi sila sa dagat habang ako ay nakaupo dito sa buhanginan.

Second day of torture ngayon which means bukas ang last day ng torture.

Torture kasi kapg nakikita kong sweet si Chance at Laura ay torture na yun para sakin.

"Oo nga, Fate. Lika na!" Aya naman ni Laura.

"Sige." Yan na lang ang nasabi ko.

"Ang kill joy mo naman masyado, Fate." Sabi ni Peter. Nandoon din kasi siya kasama sila Chance.

Kumbaga, ako na lang ang wala doon.

"Hindi ako KJ." Ayoko lang talaga kasi baka makapatay ako ng wala sa oras dahil sa sobrang selos.

Pinagmamasdan ko lang maigi si Chance. Grabe! Ang saya niya. Sobrang laki ng mga ngiti niya lalo na kapag kasama niya si Laura.

Bigla namang sumagi sa isip ko ang tanong na ito:

Paano kaya kung ako ang girlfriend ni Chance ngayon, masaya din kaya siya katulad ng nakikita ko ngayon?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay may namasa sakin.

Si.....si.....si.....PETER!

"UGH!" Sigaw ko at padabog na tumayo. "Bwisit ka talaga, Peter!" Sabi ko at hinabol siya. Tumatakbo pa kasi ang mokong eh.

Kumukuha ako ng mga bato na malpit dito sa dalampasigan at binabato iyon sa kanya. Pero ang damuho, ayun at nakakaiwas.

"Ano ba yan, Fate? Ang duling mo naman." Sabi niya.

"Ang yabang mo! Bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya at binato siya ng mga batong nakuha ko habang tumatakbo.

Nung sa wakas ay natamaan ko na siya ay ako naman ang tumakbo dahil ako ang hinabol niya.

"Lagot ka sakin, Fate!" Sabi niya. Medyo pagod na ako kaya mabagal na ang pagtakbo ko at dahilan para mahabol niya ako.

Alam niyo ang ginawa sakin ng mokong?

AYUN!

Kiniliti ako ng kiniliti hanggang sa mapahiga ako sa buhanginan.

Napatigil na lang kami ni Peter nung may biglang umubo.

Tiningnan namin kung sino iyon at nakitang si Chance pala yun. Hala?! Bakit parang galit si Chance?

"Baka gusto niyo pang magpagulong-gulong diyan para mas romantic?" Tanong ni Chance. May bahid iyon ng pagka-sarcastic.

Tumayo si Peter at tinulungan niya akong makatayo.

"Itatry na nga sana namin kaso umubo ka eh." Sabi ni Peter. Agad naman akong nakaramdam ng tensyon sa pgitan ng dalawa kaya agad kong siniko si Peter.

"Joke lang." Pagbibiro ni Peter.

"Tara! Dun tayo sa may resto, kain tayo." Sabi ni Laura. Bakit ganun? Hindi niya pansin ang tensyon sa dalawa samantalang ako ay pansin ko?

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon