Chapter 9: Ang Kapal Ng Mukha

1K 28 2
                                    


Kumukuha ako ng maiinom dito sa table na puro pagkain at inumin ang laman.

Ngayon ang prom namin. HAHA!

Bakit ako masaya?

Kasi ilang buwan na lang ay gagraduate na ako.

Kaya,

HAHA!

May kadate ba ako? Mmmm? Ano sa palagay niyo?

Kung oo, pwes, diyan kayo nagkakamali dahil walang nag-aya sakin. Grabe, ano? Ang saklap? Pero okay lang. Tuloy pa din ang buhay.

Nung makakuha ako ng inumin ay naglakad na ako papunta sa table ko. Medyo OP ako dun pero okay lang ulit.

Wala kasi si Chance sa table ko eh, magkahiwalay kami.

Pasimple akong dumaan sa table nila Chance nung umalis sila Laura pati ang mga kaibigan niya. Siguro'y pupunta sila sa CR. Makikinig ako sa mga pinag-uusapan nila.

"Dude," Tawag ni Peter kay Chance.

"Mmm?"

"Grabe, ang ganda pala ni Fate kapag inayusan, no?" Sabi ni Peter.

"Oo nga. Sana pala ganun na lang siya lagi." Sabi namin ni Alec.

"Hoy! Tigilan niyo nga ang mga ganyan sa bestfriend ko." Inis na sabi ni Chance sa dalawa. Natuwa naman ako. HAHA! Kakilig!

"Bakit, dude? Di ka ba nagagandahan sa bestfriend mo?" Tanong ni Peter. Nanunuya ng tono nito.

"Nagagandahan ako kay Fate kahit pa anong itsura niya." Sabi ni Chance. Kulang na lang ay sumuka na ako ng silver dust with matching rainbow.

"So ibig sabihin may hidden desire ka kay bestfriend Fate mo?" Tanong naman ni Alec.

A-ano daw?

Hidden desire?

S-si Chance na bestfriend ko may hidden desire sakin?

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Chance. "Hindi. Hindi yun ang ibig kong sabihin." Sabi ni Chance.

"Eh ano?" Sabay na tanong ni Alec at Peter.

"Nagagandahan ako kay Fate, oo. Pero walang meaning yun dahil hanggang magbestfriends lang kami." Sabi ni Chance.

Siya na mismo ang may sabi na hanggang doon na lang kami. Hanggang bestfriends lang kami.

At dahil sa mukhang hindi ko kinaya ang sinabi ni Chance at ng mga tumatakbo sa isip ko ay nabitawan ko ang hawak kong baso dahilan para mapatingin ang lahat ng tao sakin.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon