Chapter 48: Let Me

876 19 2
                                    

"Kanino galing itong flowers na ito?" Tanong ni Bonnie nung nasa canteen kami para sabay na kumain ng lunch.

Kinuha ko iyong card sa loob ng mga bulaklak at binigay sa kanya.

"KAY CHANCE?!" Sigaw niya.

Tinakpan ko ang bibig niya at tumingin sa paligid. Mabuti na lang at maraming estudyante kaya maingay.

"Tone your voice, Bonnie. Baka may makarinig sayo." Sabi ko.

"Nililigawan ka niya?" Tanong ni Bonnie.

Nagkibit-balikat ako.

Hindi ko rin alam ang mga kinikilos bi Chance. Maging ako ay naguguluhan. Halos araw-araw niya akong pinadadalhan ng bulaklak. Kahit sa bahay, nagmumukha na ngang flower shop ang aming bahay dahil sa mga tambak na bulaklak dun eh.

Nandito ako ngayon sa hintayan ng mga tricycle. Hindi ako makasabay kina Bonnie dahil mayroon pa siyang lakad. Bigla namang dumaan sa isip ko si Scotty. Siya kasi lagi yung naghahatid sakin eh.

Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Bakit walang nagdadaan na tricycle?

Ilang segundo akong naghintay pero wala pa ring tricycle bagkus isang kotseng itim na hinding-hindi akp pwedeng magkamali na kay Chance yun.

Hindi na lang ako maghihintay ng tricycle. Maglalakad na lang ako kahit medyo malayo ang Partridge saming bahay.

Nagulat naman ako nung nakita ko ang kotse ni Chance na sumusunod sa paglakad ko.

"Fate, bakit mo ba ako nilalayuan?" Tanong niya nung ibaba niya ang bintana.

Isang buwan ko na rin kasi siyang hindi pinapansin. Tinataguan ko siya sa university. Ang weird ko ba?

"Ano bang paki mo kung layuan kita?" Tanong ko nang hindi siya tinitingnan.

Baka kasi kapag kahit sulyapan ko siya ay matunaw ang galit ko sa kanya dahil sa kagwapuhan niyang taglay.

"Nasasaktan ako kapag lumalayo ka." Napatigil ako sa sinabi niya kaya siya rin ay tumigil.

Tumingin ako sa kanya.

Kahit isang buwan ko na siyang hindi nakikita dahil sa pagtatago ko sa kanya ay walang nagbago sa mukha niya. Siya pa rin yung gwapong lalaki na minahal ko ng sobra.

Bumaba siya ng kotse niya.

"Sumama ka sakin ngayon, Fate. Promise, hindi na ulit kita sasaktan." Sabi niya.

Ayokong sumagot kaya hindi ako sumagot. Ayokong masaktan at ayokong umasa ulit. 

"Ayoko na, Chance. Tigilan mo na ako. Ayokong masaktan at umasa ulit. Bukod sa nahihirapan ako, nagsasawa na rin ako." Sabi ko at naglakad ulit.

Hinatak niya ako sa kamay ko. Ito na naman ang puso kong parang hinahabol ng rapist.

"Kung nagsasawa ka na, pwes, ako hindi, Fate. Lalo pa't sigurado na ako ngayong mahal kita." Sabi niya.

Ano daw? Sigurado na daw siyang mahal niya ako?

Binawi ko yung kamay ko. "Ngayon ka pa naging sigurado sa nararamdaman mo kung kailan suko na ako? Kung kailan nasaktan na ako ng sobra?"

Wala ng luha na nagbabadyang tumulo. Marahil dahil naibuhos ko na lahat noon.

"Oo. Ngayon lang ako naging sigurado sa nararamdaman ko para sayo, Fate. At sorry, sorry kung umabot sa punto na nasaktan ka ng sobra. Hindi ko ginusto yun." Sabi niya.

"Kung sana, Chance, nagagamot ng sorry na yan ang sakit na dinanas at mayroon ako ngayon, sana... Ngayon pa lang, pinatawad na kita." Sabi ko.

"It may not heal your wounds, Fate, but let me heal it."

"Paano mo gagamutin ang sugat ko kung ikaw mismo ang may gawa kung bakit mayroon ako nun?" At tumakbo na ako palayo sa kanya.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon