Chapter 3

21 1 0
                                    

Chapter 3

Good Morning Art! Mauna ka na sa pagpasok may photo shoot ako ngayon. Ingat <3. Don’t worry before lunch papasok ako para may lunch ka. Hahaha -Cabi <3

Text message sakin ni Cabi. Okaay. Pumasok na ako. Pag dating ko sa school, napaaga ata ako wala pang tao. Ok na din to. Pupunta muna ako sa Art Club.

“Ahh!” Pagkapasok ko kasi napatid ako at may nadaganan akong isang nilalang. Pag mulat ko, nakita ko ang mukha ni Cyrus. Ngiting-ngiti.

“Is that a proper way to say good morning to a guy?” Nang-aasar pa. Teka ano ba sinasabi neto? Huh? Ahh!

“Sorry!” Nakapatong pala ako sa kanya kaya umalis agad ako. Tumatawa lang siya.

“Umupo ka nga.” Hinila nya ang kamay ko kasi nakatayo ako. Napa upo naman ako sa ginawa nya.

“Teka buti hindi ka late ngayon?” Huh? Ano daw?

“Late?” Tumawa siya. Ano ba sinasabi nya?

“Diba dahil sa pagmamadali nyo kahapon, nakabangga mo ko?” Nakangiti na naman siya. Teka bakit ba ngiti to ng ngiti ngayon? Parang kahapon lang masungit siya ah.

“Wait. You mean yung guy kahapon at ikaw ay iisa?” Nagtaka siya at tumawa ulit.

“Oo. Teka hindi mo ba ako namukhaan? Ako yun.” Siya ba talaga yun? Hindi eh iba talaga.

“Sure ka? Kasi may iba talaga. Yung guy na yun, mabait. Ikaw masungit. Hindi kaya kakambal mo yun?” Tumawa na naman siya. Ay grabe naka ilang tawa na ba siya ngayon? Himala ito. Grabe. Himala talaga.

“Wala akong kakambal. May kapatid ako, babae at 10 years old pa lang siya ngayon.” May kapatid pala siya. Close kaya sila? Ano kayang feeling ng may kapatid? Only child kasi ako pati din si Cabi kaya parang siya na ang naging ate ko.

“Eh doppelganger kaya?” Ang kulit ko noh? Hindi talaga ako makapaniwala.

“Talagang ayaw maniwala na ako yun? Haha. Ok, I’ll explain. Kasi ganito yun, kaya kita sinungitan kahapon kasi akala ko nagmamarunong ka lang. Pero may alam ka pala talaga sa Arts. At nung pinagtanggol mo yung friend mo kahapon, namukhaan kita. Na ikaw yung nakabangga ko. Naalala mo pa yung time na sinabi ko na you’re that girl?” Tumango na lang ako and he continued.

“Sasabihin ko sana na ikaw yung nakabangga ko. Pero sumingit naman tong si Zach at inungkat pa yung nangyari.” He smiled. Ahh so yun pala yun, kaya pala.

“Ahh. Naiintindihan ko na. Akala ko may split personality ka lang or hindi kaya inabduct ka ng aliens at gumawa ng clone mo na mabait para iwan dito sa Earth.” Tumawa na naman siya. Teka nag joke ba ako? Joke ba yun? Hindi naman eh.

“Bakit ba? Makatawa to.” Ang gaan ng loob ko sa kanya hindi ko alam kung bakit.

“Eh kasi ang wild ng imagination mo.” Wild ba? Hindi naman diba?

“Shaa. Sige na wild na kung wild. Teka maiba ako. Bakit ka ba naka salampag sa sahig kanina?” Kaya naman kasi ako napatid eh dahil din naman sa kanya.

“Nakatulog kasi ako.” Sabay hikab siya.

“Eeh? Nakatulog? Dito ka natulog? Wala ka bang bahay?” Kawawa naman siya. Mukha pa naman siyang mayaman. Gwapo kasi siya. Singkit, maputi at matangkad siya. Basta gwapo talaga siya. Bagay sa kanya yung pagiging masungit nya. Mukha siyang kagalang-galang at matalino. Bagay din naman sa kanya ang pagiging mabait nya. Mukhang friendly at masaya siya kasama. Pero naawa talaga ako sa kanya.

K3 ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon