Chapter 11

25 1 0
                                    

Chapter 11

Today is February 4 and may new project na naman kami. It’s about love since love month. Andito kami ngayon sa Art Club, nagmemeeting. Tatlo nalang pala kaming members ng L’arc en ciel. Nasa Japan na kasi si Cyrus.

“Ahmm. About our project pwede ako na lang gumawa nun?” Hindi ko alam kung bakit ko inako bigla yung project, pero yun yung nararamdaman ko eh. Gusto ko ako gumawa. Gusto ko i pour out lahat ng feelings ko para sa project na to.

“Art sure ka kaya mo?”

“Oo naman, please?” Pumayag na silang dalawa.  May tiwala naman kasi sila sakin. Ten days before the release. Kaya ko to. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagstart na. Sina Cabi at Zach naman. Dala sila ng dala ng food para sakin. Tinanong nila ako kung anong kailangan ko.

*February 13*

Tapos ko na ang painting.

“Is it Cyrus?” Tanong ni Cabi. Nag-nod na lang ako.

“Bakit different colors?” Si Zach naman ang nagtanong.

“Alam nyo naman na hanggang ngayon hinihintay ko pa din na bumalik sya.Kaya sya nakatalikod at kaya seven different colors ang pinaint ko sa cherry blossoms kasi simula ng dumating sya sa buhay ko, naging makulay ito. Yes, its cliche’ and really corny but that’s the truth, marami akong natutunan sa kanya. Nakaramdam ako ng different feelings dahil sa kanya.” Ngumiti na lang sila at ibig sabihin nun, approved ang work ko sa kanila. Since maaga kami natapos dahil nakapag decorate na din sila habang nagppaint ako, maaga kami nakauwi. Pagkapasok ko ng kwarto, chineck ko ang phone ko. Okay the same as always. No text, No call. Hindi pa nya ako tintext or tinatawagan simula ng umalis sya. Again, natulog nalang ako para na rin makapag prepare bukas.

Pumasok ako ng maaga at pumunta ako sa Art Gallery. Nagulat ako sa nakita ko. Instead na isang painting lang ang nakadisplay dito, naging dalawa na. And that person in that painting is. Is me. Tumakbo agad ako sa Art Club. Andito ba siya? Siya lang naman ang makakagawa ng painting na yon and same kami na gumamit ng different colors. Pagkabukas ko ng sliding door, nakita ko sya. Si Cyrus nga. Nakatalikod lang sya, ako nasa pintuan lang.

“There are things that won’t be conveyed if I don’t put them into words, so I’ll tell you. Actually, it all started in the beginning. The moment that I met you, the pink color of the cherry blossoms became deeper, the sky was blue and a red flower bloomed in my heart. I wonder if that’s what they call love?” Nagulat ako sa mga sinabi nya. Siya talaga to. Andito sya ngayon. Sinasabi ang mga bagay na to. Umiiyak na naman ako at lumapit sya sakin and again we kissed. Kahit matagal kaming hindi nakapag usap, andito pa din ung feeling. Yung love. We both know that we love each other and that is trust. We don’t need words. Just being like this, just being with him is enough.

Dumating na sila Zach at nagkwentuhan lang. Tuwang-tuwa sila na umuwi si Cyrus pero hindi sya pwede magtagal because today babalik ulit sya sa Japan. Sad but I have no choice but to cherish the now. Hanggat andito pa, magpapakasaya kami. Nalaman na nya din na si Cabi at si Zach na. Natuwa sya.

Lunch na. Palapit na ng palapit yung oras nang pag-alis nya. Natatakot ako baka matagal na naman ang muli nyang pagbabalik. Gusto ko syang pigilan pero wala akong right. Gusto kong sabihin na dito nalang sya sa tabi ko. Pero ano ba magagawa ko? Decision yun ng parents nya. The thing that I could do is to wait for him. Mahal naman namin ang isa’t-isa. Ok na yun. Kontento na ko dun. Pero sana huminto ang oras para mas matagal ko pa syang makasama. Kapag may nagtanong talaga sakin kung anong gusto kong super powers, yun yung pipiliin ko. Ngayon ko lang narealize na kahit ordinary day and small happenings lang, ok na ko basta magkasama kami. Oo, hindi ko kayang piliin ang nararamdaman ko pero alam ko na kaya kong gawan ng paraan to. Mahal ko sya at malulungkot ako pag umalis ulit sya but again anong magagawa ko? I just need to be happy for him. Itatago ko muna ang senti side ko at mag eenjoy kasama nila.

“Art?”

“Huh?” Loss in thoughts sorry.

“Ano ba yan minsan lang ako dito ganyan ka pa.”  Nag pout sya. Lalaking tao nag pa pout, pero ok lang gwapo pa din naman sya.

“Sorry.” nakangiti kong sabi.

“Pagpasensyahan mo na yan si Art, hindi pa din kasi sya makapaniwala na nandito ka na.” -Cabi

*Chocowey cake! Chocowey cake! Chokowey cake*

“Wait lang ah. May tumatawag eh.” Sabay tayo at layo nya samin.

“Teka, di ba Art boses mo yun?” Tanong ni Cabi habang tinuturo si Cyrus na nasa malayo.

“Oo nga eh.” Bumalik na ulit si Cyrus.

“Boses ko yun ah.” Tumawa sya.

“Oh anu naman?” Ngiting-ngiti nyang sagot. Ahh! I'm gonna miss his smiles. 

“Pano mo yun narecord?" He just shrugged,

“Ako pa.”

“Stalker~.” At nagtawanan lang kami lahat.

“ Teka maiba ako, bakit hindi ka na nagtetetxt o tumatawag sakin?” Seryoso yung tono ko. Gusto ko sagutin nya din yung tanong ko ng seryoso.

“Ah. Yoko kasing kausapin ka ng kausapin kasi mawawala na yung excitement ko na makita ka. Yoko din malaman yung mga nangyayari dito dahil gusto ko magkwento ka ng magkwento sakin. Tsaka pag nabasa ko mga messages mo or narinig ang boses mo baka bigla akong umuwi dito. O kaya naman araw-araw na kitang dadalawin hahahah"  Napangiti ako sa sinabi nya. Kinikilig ako~ Grabe tong lalaking to. Pero sana nga araw-araw ka na lang umuwi dito para araw-araw kitang makakasama.

“Ayiee!” Pang-aasar ng dalawa.At tumawa nalang ulit kami.

*AIRPORT*

“So this is a good bye again” Yes again, second time around. Kelan kaya ulit sya babalik? I'm gonna miss him so much.

*sigh*

“I guess so.” Then he hugged me so tight. Yoko na sana sya bitawan kasi alam ko mawawala na naman sya sakin, though alam ko namang babalik ulit sya pero kasi gusto ko ganito na lang sana kami forever. He then kissed my forehead and pat my head. 

“Good bye, see you again.” Nakangiti sya pero halata sa mga mata nya ang lungkot. Same with me, I know he doesnt want to let go. Kung pede lang sana na ganito kami. Kung pede lang sana pagdikitin kami gamit ang glue para hindi na kami magkakahiwalay forever, Kaso hindi eh. Hay.

“Yeah. Take care!” Nagpaalam na din sya kina Cabi at Zach. Tsaka pumasok na sya sa loob. Si Cabi umiyak. Talo nya pa ko. Para sya yung girlfriend eh. Umuwi na agad ako. Ayokong makita nilang umiiyak ako. Tulad nga ng sabi ko, they will never see me cry.

***

A/N: Painting ni Cyrus at the side ~~~>

This is care of google. Credits to the owners, Next chapter yung painting ni Art.. Thank you ^^

Vote, Comment and be a Fan.

~KeiMichiyo

K3 ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon