Chapter 5
Pagkadating ko sa entrance ng school, may tumapik sa likod ko. Nilingon ko kung sino.
“Yo!” Si Zach pala. Ngumiti siya sakin kaya ngumiti na din ako.
“Sabay na tayo paakyat ah.” Nag nod na lang ako.
Habang papaakyat kwento siya ng kwento ako naman nakikinig lang. Hindi naman sa boring siya kausap actually ansaya nya ngang kausap eh. Hindi ko lang talaga alam kung ano sasabihin ko hindi ko kasi alam pano siya i-approach.
“Hatid na kita sa room mo.” Napahinto ako sa paglalakad. Kasi nasa harap ko na siya tapos naka bend pa siya ng kaunti mas matangkad kasi siya kesa sakin plus nakayuko pa ako. Napa- angat tuloy yung ulo ko kasi nagulat ako sa ginawa nya. Ngiting-ngiti siya. Parang bata na nagpapabili ng ice cream sa nanay nya.
“Bahala ka.” Yumuko na ulit ako kasi nahiya ako sa ginawa nya. Tumawa lang siya at bumalik sa dati nyang pwesto sa kaliwa at naglakad na ulit kami.
“Teka bakit ka ba nakayuko? Baka isipin ng mga tao pinapaiyak kita.” Tama siya. Kaya inangat ko na ulo ko baka isipin pa nila na kabilang ako sa mga head-over-heels-sa-kanya. Tinignan nya ko ng matagal.
“Yan. Mas maganda ka kapag nakikita mukha mo.” Ngumiti siya at naramdaman ko na umiinit yung mukha ko. Hala. Baka magkasakit ako.
Nakarating na kami sa tapat ng room ko.
“Sige Artemis, ba bye na.” Nakaalis na siya nung nagsalita ako bigla. At dahil dun napahinto siya.
“Art.” Sabi ko ng medyo mahina at nagtataka siya.
“Art na lang itawag mo sakin.” Sinabi ko ng nakangiti. Nagulat na naman ako sa ginawa nya. Mag kaka heart problem ata ako pag lagi kong kasama tong taong to. Tumakbo siya sa harap ko at hinawakan nya ang hands ko.
“Talaga? Sigurado ka?” Nag nod na lang ako.
“Sabi mo yan ah. Walang bawian. Sige na babye na Art. Mamaya na lang.” Nag wave na lang ako at umalis na siya.
Pagkapasok ko sa classroom, kaunti pa lang kami mga seven pa lang. Nakayuko akong pumasok at dumiretso na sa upuan ko.
“Good morning Miss Cabiline.”-Girl 1
“Hello, Cabiline.”-Girl 2
“Hello, good morning din.” Sagot ni Cabi at dumiretso na rin siya sa upuan nya.
“Good morning Art.”
“Good morning.”
“Kanina ka pa?” Nag nod na lang ako.
“Hello Cabiline.”-Girl 3
Nag smile lang si Cabi at napansin nya na nakatingin ako sa kanya. Alam nya yung tingin na yun. Inggit.
“Teka wala ka pa din bang nagiging new friends?” Again I just nodded and sighed.
“Alam mo Art. Hindi ako laging andito para sayo. I know we’re best friends and we treat each other as sisters but there are circumstances. Kaya not every day, every minute, every second nasa tabi mo ko. Just like yesterday. Kaya’t hangga’t maaari makipagkaibigan ka. Para pag wala ako may mga makakasama ka. Tignan mo ko.”
*sigh*
“ Easy for you to say. Model ka kasi. Maganda ka at mabait pa, kaya madami gustong makipag friends sayo.”
BINABASA MO ANG
K3 Art
Teen FictionPrologue: Four different people, four different medium for self expression and one thing that chains them together, the thing that they really love. ART. How their lives be painted as destiny binds them together? How colorful would it be? (Note: T...