Chapter 6

15 1 0
                                    

Chapter  6

 Nagising ako. Pagtingin ko sa oras it’s 6am. Hmm masyado pang maaga,kaya matutulog muna ko ulit. Minsan lang to. 10am pa pasok ko. Well hindi lang naman ako,kaming apat na members ng L’arc en ciel. Nag-agree naman sila sa idea na fineed ko sa kanila. Maganda daw. We have 10 days bago ang THAT DAY.  Haha alam nyo na yun. Ito yung day na ipapakita namin sa lahat ang aming master piece. Sa tuwing naaalala ko yun. I’m having chills. Chills of excitement. First time kasi ito and may idea na ko kung ano idra drawing ko. Kaso inaatake na naman ako ng procrastination ko. Kailangan ko ng sweets. Ahhh. Cotton candy I need you now. Ay, hindi na ko makatulog. I’m drooling for cotton candy. San ba pede bumili nun? Wala namang vendor dito sa sub’d namin. Bawal kasi mga street vendor sa executive subdivision. Pssh. Wala namang cotton candy sa school. San ako bibili? Sa mall? Yoko. Hindi ako marunong mag mall mag-isa. Nakakatakot. Umupo na ko sa kama at sumandal sa head board. Kinuha ko ang phone ko at nagbasa ng mga text messages na kagabi pa sinend sakin. Ang SLR ko (super late reader) haha Imbento ko lang yan.

*1st message sender : Cabi^^ 10:03 pm Wednesday 19 June

 Art, good night! Sweet dreams^^ Beauty rest na ha? Haha loveyah! Mwah!

 Napangiti ako kahit lagi nyang ginagawa yan.

 RE: Good morning Cabi! How’s your dream?

 Maya maya pa magrereply yun. Tulog pa yun for sure.

*2nd message sender: unknown number 11:00 pm Wednesday 19 June

      ~hello. Tulog ka na for sure geh. Good night na~

Hala, sino to? Hmm. I dialed this numbers. Kasi kadalasan hindi sila nagrereply kaya tumatawag na ko. After 3 rings sumagot na din si unknown number.

“hello?”sabi nya halatang nagising ko siya at lalaki siya. Familiar yung boses.

“ahmm hello? May I know who you are?” Ay ang shunga ko bakit ganyan tanong ko? Ako nga pala yung tumawag.

“huh?” halatang nairita siya sa tanong ko.

“ahmm no, what I mean is tinext mo kasi ako kagabi so maybe I know you or you know me kaso kasi hindi naka save yung number mo sa contacts ko kaya tinatanong ko kung sino ka?” sino kaya to? Wala naman ako pinagbigyan ng number ko ah. Si Cabi na naman siguro ang may pakana nito.

 “wait. Tell me, you’re Artemis right?” huh? Kilala nya ko? Hala sino to? Baka kidnapper. Kaso may kidnapper bang magsasabi ng good night sa kikidnapin nya? Baliw na naman ako.

 “ah. Yes. Why ?” so ano gagawin ko kung kidnapper nga siya?

Choices:

   a. tumawag ng police?

   b. awayin ko ang manong unknown number/kidnapper

   c. none of the above.

Batman bahala ka na sa buhay ko. Teka bakit ganun sikat si batman sa mga taong umaasa sa bahala na system? Imagination ko bakit ang wild mo na naman? Naputol yung pag-iimagine ko nung nagsalita siya.

“haha. Artemis ikaw pala yan. Sorry hindi ako naka pag pakilala. Si Cyrus to.” Hala. Si Cyrus? Oh no.

“ooh. So pano mo nakuha number ko?” binigay ko ba? Hindi naman eh. Teka baka naman kasi stalker siya o kaya tama ako ng hula na kidnapper siya at ako na next target nya. Naku, wala pantubos ang pamilya ko. Hindi naman kami mayaman. Middle class lang. Yan paniniwalaan ko kahit may butler at sa mansion kami nakatira.

K3 ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon