CHAPTER 8
Nakauwi na din ako. Hinatid nila ako. Pinapasok ko sila pero uuwi na din daw sila. Ok. Masaya ako. Pero hindi buo ang saya ko. Kasi alam ko na ang rude ko tingnan kasi ni isang thank you hindi ko nasabi. Hindi ko napakita sa kanila kung gano ko kasaya.
*Ring ring*
“Hello?”
“Hello Artemis, kamusta na?”
“Grabe parang hindi kita kasama kanina ah.”
“Haha! Wala lang sige bye na.” Bye? Agad agad? Wala pa ngang one minute kaming nag uusap eh.
“W-wait lang!”
“Bakit? May sasabihin ka pa ba?”
“Oo eh. Ahmmm, ano kasi ah yung about sa kanina. Ahmmm.. Salamat”
“Haha! Bakit ka nagpapasalamat? Para saan?” Nagtanong pa, alam naman nya.
“Salamat. Salamat sa cotton candy, sa pagliligtas mo sakin kanina at nakilala ko si Andie at ikaw. Nag-enjoy talaga ako ngayon. And for that, I really thank you.” Hay. Nasabi ko din. Hindi nasayang ang lahat ng lakas ng loob na inipon ko.
“Haha! Ano ka ba, wala ka dapat ipagpasalamat. Ako nga dapat mag thank you. Kasi sumama ka. Kasi napasaya mo kami ni Andie.”
“Really? I feel that I owe you one. Pano ba ko makakabawi sayo?”
“Bawi? Don’t worry hindi na kailangan. More than enough na mas nakilala kita at nakasama ka kahit isang araw lang. Ok? Geh, bye na. See you tomorrow Artemis.”
“Art.”
“Huh?”
“Art na lang itawag mo sakin.”
“Ah ok. Bye. See you tomorrow Art.”
“Bye bye.”
*Cyrus ‘ POV*
“Bye bye.” After nun, binaba ko na yung phone.
“Aba kuya, ngiting-ngiti ka ah. Ikaw ah. Kausap mo si Ate Artemis no?” Dumating na naman ang spoiled kong kapatid.
“Sira. Teka nga. Bakit andito ka sa kwarto ko? Lumabas ka nga. Hindi ka na naman kumatok.” Pssh. Pasaway to ah.
“Eh. Open yung door eh kaya pumasok ako. Tsaka bahala ka, may papakita pa naman ako sayo.”
“Ano naman yun?”
“Send ko na lang sayo via Bluetooth. Ciao!” Ayun lumabas na siya ng kwarto ko at maya maya pa may nareceive na kong files galing sakanya. Pag open ko, nakita ko ang pictures namin ni Art. Yung time na inuubos naming yung cotton candy. Yung nagbabasketball kami, car racing, nung nagda drums kami at yung time na nakatitig siya sa panda na binigay ko habang nakatitig naman ako sa kanya. Natuwa ako sa ginawa ng kapatid ko pero hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya kaya hinide ko mga pictures namin at natulog na.
“Chocowey cake! Chocowey cake! Chocowey cake!”
Nagising na ako at pinatay na ang alarm sa phone ko. Oo, alarm yun at boses ni Art yun. Nakuha ko yun nung first lunch naming apat. Nag record lang ako out of the blue. Basta. At hindi ko inaasahan na may marerecord ako na interesting. Ang boses ni Art.
BINABASA MO ANG
K3 Art
Teen FictionPrologue: Four different people, four different medium for self expression and one thing that chains them together, the thing that they really love. ART. How their lives be painted as destiny binds them together? How colorful would it be? (Note: T...