Chapter 7

19 1 0
                                    

Chapter 7

Nasa Art Club na kami at nagbra-brainstorming kami  na pwedeng maging master piece. Ako meron na kaya. Drawing-drawing lang ako sa mga nakikita ko. Si Cabi chine-check yung mga damit nya kung anu pwede suotin. Si Zach nililinis yung SLR nya. Si Cyrus nasa tapat ng canvass. 10 days. Deadline namin for this project.

*Ring!* It’s lunch time! Yey!

Umakyat na kami sa garden sa taas para mag-lunch. Iniwan pansamantala ang mga gamit namin sa Art Club, sila lang..Dala ko pa din kasi si sketch book. Kumain kami, same routine pa din.  Tumabi na naman sakin si Cyrus, napansin ko na nakatingin samin si Zach. Kasama nya ulit kasi si Cabi. Tahimik lang si Cyrus, ako naman drawing-drawing pa din.

“Miss Artemis”  nagsalita siya bigla at nakangiti. Tinignan ko siya. Fierce look.

“Woah! Woah. Wag ka magalit sakin. You’re secret is safe with me. Secret keeper ako.” Sana nga totoo yung sinasabi nya. Yoko may makaalam na iba. Isa nga lang namomoblema na ko pano pa kaya pag madami na nakakaalam.

“At saka gusto ko lang makuha atensyon mo.” Nakangiti nyang sabi at napahinto ako sa pagdo-drawing para lang tingnan siya.

“Bakit mo naman gusto makuha atensyon ko?” Bakit kaya? Hindi ko siya maintindihan.

“Siguro masyado ka lang busy at hindi ka rin makulit kanina.” Sasagot na sana ako ng biglang nag-bell. Bumaba na ulit kaming lahat. At napagdesisyunan na umuwi muna kami, kasi lutang pa mga utak namin kaya magpahinga na lang daw muna kaming lahat para makapag-isip ng maayos. At dapat daw bukas  meron na para diretso gawa na bukas. Pumayag naman kami at nagsiuwian na. Hindi ko kasabay ngayon si Cabi dahil may photoshoot siya. Nung malaman ni Zach yun, gusto nya sana ako ihatid kaso tumanggi ako. Baka may malaman pa siya. Tama ng alam ni Cyrus wag na syang dumagdag pa.

Nakadating na ko sa bahay, diretso sa kwarto at humiga. Tinignan ko yung phone ko, may hinihintay ako. Text o kaya tawag galing…galing kanino? Hindi ko alam. Ngayon lang naman ako nagkaganito. Si Cabi lang kasi nagtetext at tumatawag sakin. Hindi ko maexplain. Teka baka naman kasi naninibago lang ako kaya ganito. Biglang nagring phone ko. Sinagot ko agad.

“Hello?” Masaya kong sagot.

“Yo! Art, musta na? Nakauwi ka ba ng maayos?” Bigla akong nalungkot si Zach lang pala. Akala ko si Cyrus na. Huh? Ah! Hindi! Erase-erase that’s not what I mean . Pssh. Teka bakit ba ko nage-explain sa sarili ko? Teka may kausap pa pala ako sa kabilang line.

“Huh? Ahh. Oo naman.” Sinubukan ko ibalik yung saya sa boses ko. Baka makahalata na hindi ko siya gusto makausap at hinihintay ko yung tawag ni Cyrus. Waah! Cyrus. Cyrus bakit ba puro Cyrus ako ngayon? Naku naman Cyrus tigilan mo na ko please?  Please lang? Yoko pa mawala ang sanity ko.

“Sure” Huh? Sure? Si Cyrus yun ah. Boses nya yun. Teka kinakausap nya ako. Telepathy? Imposible naman yun. Pero malay mo din. Si Zach nga mind reader eh. Baka nga kasi members sila ng Justice league?

“Art? Still there?” Ay kausap ko pa pala si Zach nalimutan ko .

“Sorry. Loss in thoughts.”Narinig ko siyang tumawa at narinig ko naman ang boses ni Cyrus. Minumulto na ata ako  ng lalaking yun eh.

“Ui Zach! Patulong naman dito. Sino ba yung kausap mo? Nanchi-chix ka na naman noh?” Okay alam ko na. Alam ko na kung bakit ko naririnig boses nya kasi magkasama sila. Kung anu-ano pinagiisip ko haha. Sigurado ako neto na sa susunod na magkikita ulit kami nasa Mental Hospital  na ako.

K3 ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon