Chapter 4

23 1 1
                                    

Chapter 4

*Artemis’ POV*

“Thenkkyo!” Sabi ko at sabay layo sa kanila.

Tapos na ko kumain at lumayo na ako sa kanila. Mag dra drawing na kasi ako. Sya naman matutulog or makikinig ng music. But in this case mukhang makikipagkwentuhan na lang si Cabi sa Ultimate Crush nya daw. Nilabas ko na si sketch book ko ng may biglang lumapit at nakiupo sa tabi ko.

“Hey, bakit andito ka?” Tumingin ako kay Cyrus at nagsalita.

“Eh ikaw, bakit andito ka?” Ngumiti lang siya

“Teka nga muna ako una nagtanong ah. Galit ka ba sa bestfriend mo kaya ka lumayo?” Galit? Ano sinasabi neto?

“Ui hindi ako galit ah. Ganito lang talaga kami ni Cabi may kanya- kanyang seremonyas pagkatapos kumain. Eh ikaw bakit ka andito?” Don’t tell me, kaya siya pumunta dito para lang tanungin ako about dun.

“Wala lang. Teka nga ano ba dino drawing mo?” Ayos to ah. Change topic? Naku naman.

“Hindi ko nga alam eh. Naguguluhan ako.” Tumatawa siya.

“Oh bakit ka tumatawa? Problemado na nga yung tao pagtatawanan mo pa.” Baliw na ata to eh.

“Para kasing anlaki ng problema mo eh madali lang naman solusyon jan.” Wow ha. Edi siya na genius.

“Sige nga ano?” Kinuha nya yung sketch book ko. May sinulat sa bottom right at binigay uli sakin. Blank.

“Huh? Ano to? Date at signature mo lang naman yung andito ah. Hindi naman ako nanghihingi sayo ng autograph.” Di bale sana kung siya si Batman. Pssh. Tumatawa na naman siya. Ahh! Tino troll ata ako ng taong to eh.

“Ano ka ba it’s a master piece.” Pagmamalaki nyang sabi.

“Master piece? It’s nothingness.” Nginitian nya lang ako. Hay.

“Instead na ilagay mo ang date at signature mo dito sana ginuhit mo na lang sina Cabi at Zach.” Matutuwa pa sakin yun at baka bigyan pa ako ng ten whole chocolate cakes. Ngumiti siya and this time it’s a really big smile.

“See? Hindi siya nothing. Actually it’s everything. Pag pinakita mo tong blank page na to sa iba, sasabihin nila ang ideas nila na dapat ganito’t ganyan na lang nilagay mo jan. And through that blank page madami kang ma co collect na master piece ng mga tao.” Ngumiti siya at dahil sa sinabi nya napangiti din ako. He’s right. Ang galing hindi lang pala pang aasar ang alam neto.

“Eh bakit may date at signature mo?” Pede naman kasing wala yun.

“It’s a remembrance. A memory. Just like any other works, kailangan ng date para malaman kung kelan mo yan ginawa. Yung signature naman para maalala mo na may natutunan ka sakin. Haha.” Natuwa ako sa sinabi nya.

“Teka sating dalawa ikaw pala tong may split personality eh.”

“Huh?” Ano na naman ba sinasabi neto? Change topic naman kasi kaagad. Hindi ako maka catch-up sa bilis ng utak neto.

“Nag-iiba ka pagdating sa sweets.” Tumatawa siya. Ansama nya. Ayan binabalikan na naman siya nang kaluluwa ng mapang asar.

“Eh lahat naman kasi ng tao, may weakness. Try mo magbasa ng books about Greek Mythology, may mababasa ka dung Achilles heel. Meaning kahit gano ka pa kalakas at kagaling may mga bagay-bagay din na mag co cause ng downfall mo. Weakness in short.” Ngumiti na lang ako sa kanya at nagtanong.

K3 ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon