"Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan."
-Genesis 3:16aNagbibitak-bitak ang lupa, kapag ito'y
natutuyo. Gumaspang, at dumami ang uka
ng noon ay pinong lupa. 'Pagkat naibigay na
nito ang lahat ng tubig, sa mga halamang
nakaugat dito.Magbibitak-bitak din naman ang buto,
kapag ito'y nakabaon
upang umusbong ang binhi.Nagbibitak-bitak ang balat ng isang
ina, kapag siya'y nagbubuntis. Gumaspang,
at dumami ang uka, ng noon ay makinis
na kutis. 'Pagkat kailangang magkasya
ang lumalaking sanggol, sa sinapupunang
kinalalagyan nito.Magbibitak-bitak din naman ang balat
ng itlog, kapag buo na
ang sisiw.Magbibitak-bitak din naman ang inunan
ng ina, kapag handa na
ang batang
harapin ang daigdig.Eba, ito ang iyong sumpa.
Ito rin ang iyong biyaya.
BINABASA MO ANG
Mga Awit ng Isang Payak na Puso
PoetryAng aking koleksyon ng mga Tagalog na tula. Mambabasang estrangherong nadapdap dito Silipin mo ang aking puso Hayaan mong ihayag ko sa iyo ang mga hinaing 'di masabi Ng isang pusong dumudugo man ngunit lumalaban pa rin Saluhin mo ang bawat letra na...