Mahaba pa ang kailangang itingkayad
ng mga paa, para maabot ang mga pangarap
kaya tayo gumagamit ng panungkit
upang malaglag ang mga prutas
at matikman ang kanilang tamis.
Kung mas mahaba ang panungkit, mas mainam
maabot mo ang rurok ng mga puno
kung saan nagtatago ang pinakamatatamis
na mga bunga.
Ngunit ang mas mahaba ay mas mabigat
handa ba ang bata mong katawan
na dalhin ang bigat
sa ngalan ng tagumpay?
Nawa'y makuha mo ang gusto
dahil hindi nagpapatawad ang mundo
sa 'di kayang bumuhat
ng kanilang gustong dalhin.
BINABASA MO ANG
Mga Awit ng Isang Payak na Puso
PoetryAng aking koleksyon ng mga Tagalog na tula. Mambabasang estrangherong nadapdap dito Silipin mo ang aking puso Hayaan mong ihayag ko sa iyo ang mga hinaing 'di masabi Ng isang pusong dumudugo man ngunit lumalaban pa rin Saluhin mo ang bawat letra na...