Palay

9 0 0
                                    

  Sa pagitan ng pagsikat ng araw
at pagbuhos ng ulan--
doon lalago ang mga palay.
Doon titingkad ang luntiang kulay,
tatatag ang mga ugat,
at kalauna'y magbubunga
ng mga binhi.
Hindi sa labis
na pagbasbas ng langit
o sa marahas na siklab
ng nakatutuyong init.  

Mga Awit ng Isang Payak na PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon