Lumilipad ang mga berso
sa alapaap ng pagkalimot. Mga
salitang walang hugis, lumulutang
sa langit, pilit inaabot ng
makatang lumikha
upang muling buuin
ang nalimutang pag-ibig.
Ngunit kahit anong taas ng pagtalon,
o tingkayad ng paa,
hindi pa rin matandaan ang tulang
di-naisulat sa papel.
Titingala na lang ako, at
maghihintay, baka sakaling
bumalik sa aking isip
ang mga salita para sana sa iyo
nang iniwan mo 'ko.
BINABASA MO ANG
Mga Awit ng Isang Payak na Puso
PoesieAng aking koleksyon ng mga Tagalog na tula. Mambabasang estrangherong nadapdap dito Silipin mo ang aking puso Hayaan mong ihayag ko sa iyo ang mga hinaing 'di masabi Ng isang pusong dumudugo man ngunit lumalaban pa rin Saluhin mo ang bawat letra na...