Sa ilalim ng talahiban
tabi-tabing nagtatago ang
mga balat ng kendi, basura,
at katawan ng tao. Pinalibutan
ng tape, nakasako. Sariwa pa
ang dugo.Ikinukubli sila ng talahiban,
mula sa paningin ng dumadaan.
Malamig sa ilalim nito--
takluban ng ahas, daga
at mga insekto.Matirik na ang araw,
ngunit tago pa rin
ang kasalanan ng tao.
BINABASA MO ANG
Mga Awit ng Isang Payak na Puso
PoetryAng aking koleksyon ng mga Tagalog na tula. Mambabasang estrangherong nadapdap dito Silipin mo ang aking puso Hayaan mong ihayag ko sa iyo ang mga hinaing 'di masabi Ng isang pusong dumudugo man ngunit lumalaban pa rin Saluhin mo ang bawat letra na...