Walang Pagmamay-ari ang Makata

5 0 0
                                    


Naghihiram lamang ang makata
ng mga kwento. Wala siyang pag-aari
sa mundo. Ang katha niya'y parang putik
na kinuha sa kalikasan, nililok upang
maging palayok, ngunit hindi siya ang
nagluwal ng putik, bagkus
nanghiram lamang siya sa lupang inaapakan.

Kaya't wala akong aangkinin na kwento.
Wala akong tatanggapin na papuri sa mga
katha ko. Dahil nanghihiram lamang ako
ng mga boses. Sa halip na itangi ang tula, ba't hindi
mo tingnan ang pinanggagalingan ng mga
boses na hiniram ko? Sila na pinapatay ng estado.
Sila na inaagawan ng lupang ninuno. Sila na
kinukulong dahil sa paggawa ng mabuti ng kapwa.
Mas tingnan mo ang paligid mo kaysa sa tula.
Nanghihiram lamang ako ng boses, pero malaki
ang iyong magagawa kung pakikinggan mo sila.

Mga Awit ng Isang Payak na PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon