Malamig na gabi, wala ka raw kwenta
Katahimikan ang pwersa na bumabalot sa'yo
Kumakanta ang kusilap sa melodiya ng hangin
Ngunit halakhak ng tao'y nalunod sa kawalan
Maging ang kulay ng bahaghari'y nadamay
Samu't-saring elementong sumama sa kadiliman
Na dala ng pag-alis ng araw na matayog
Upang magpahinga sa pagbibigay ng liwanag sa amin
Nginig kong tinahak ang mahabang kalsada
Gamit ang bisikletang bigay ni Ama
Ilaw ng buwan ang siya lamang pinagkukunan
Ng lakas at pag-asa upang ituloy ang pag-usad
Sa madilim na gilid tila may bumubulong sa'kin
Mukhang isang dimonyong nagtatago sa dilim
Wala raw patutunguhan ang aking pag-alis
Impyerno ang kahihinatnan kahit saan man magtungo
Umihip ang hangin, katal bumalot sa'kin
Pangginaw ay 'di na kinuha nang tumakas sa amin
Pebrero'y nariyan ang hanging amihan
Ngunit hindi ang pagmamahalan sa munting tahanan
BINABASA MO ANG
Mga Awit ng Isang Payak na Puso
PoesiaAng aking koleksyon ng mga Tagalog na tula. Mambabasang estrangherong nadapdap dito Silipin mo ang aking puso Hayaan mong ihayag ko sa iyo ang mga hinaing 'di masabi Ng isang pusong dumudugo man ngunit lumalaban pa rin Saluhin mo ang bawat letra na...