#J9/Blessed.

2.4K 68 0
                                    

#J9/Blessed.

Inubo ako ng tubig at umikot ako sa buhangin ramdam ang maliliit na alon ng pangpang at matinding sikat ng araw.

Oh God...

God did help me.

I'm alive..

Una..

Nang magpapatiwakal ako sumabit ako..

Tapos...

Kaya hinagis ako ni Drei palayo sa mine, dahil sa inis..

Nalunod ako tapos..

I'm free..

Tumayo na ako at naglakad sa brown na kulay na buhangin na pangpang, makikita mo ang mga puno sa anyong gubat.

May bahay...

Napatid ako sa haba ng wedding dress ko kaya pinilas ko to hanggang knee level lang.

God..

Nilakad ko yung pinangalingan ng usok, pero it's killing me..

Napa-upo ako sapo ang duguan kong tyan, sandal sa isang puno na may batong flat, na parang sinadya ilagay para upuan sa liliman ng puno..

Nanghihina na rin ako, sobrang init pa habang naglalakad ako.

Pero malayo pa..

Malaking palayan na ang nilakad ko.

Ilog.

Pero malayo pa rin sa usok na yon...

"Miss ayos ka lang!" Sabi ng isang lalake ng isandal ko ang ulo ko sa puno sa pamimilipit.

"Miss! May dugo ka! Halika sa bahay!" Sabi nya at pinilit kong idinilat ang mga mata ko.

Kayumanggi ang kulay, matatangos na ilong at isang lalaking naka gray na sando at may dalang brown na tali na nakapalibot sa balikat ang nagtanong sakin.

Oh God!

God blessed you!

"O-okay lang ba kung kargahin kita..." Pag-aalangan nya na tanong sakin at naka upong-luhod na sya.

"Salamat..." Sabi ko, at ramdam kong gumapang sa likod ko ang kamay nya at ramdam na ang hanging sa mga likod ko.

"Ang init mo! Wag kang matutulog ah!" Sabi nya habang tumatakbo..

Bahala na kung saan nya ako dadalhin.

Mukha naman syang mabait.

Mas mabait naman siguro sa pinanggalingan ko.

Mas tao.

Tumingin ako ulit ng sulyap, at nakita ko syang tumatakbo paakyat at pawis na pawis na..

"Wait lang... Ha... San ka ba nangaling.... Anong nangyari...." Sabi nya na halata ang pag-aalala sa mukha.

Kampante na ako sa kanya...

Nagulat ang lalake nang mawalan ng malay si Soffia at agad tong dinala sa town clinic.

"May doctor ba dito! Please! Kahit sino!" Sigaw nya pero walang nasagot sa saradong health center ng isla.

Tumakbo ang binata dala si Soffia, at agad na dinala na lang ito sa kubong bahay nito.

"Nay! Tay! Tulungan nyo po ako!" Malayo pa ang binata ay sumigaw na ito sa bahay.

"Ay naku! Anak! Daliii! Tay! Magpakulo ka ng tubig at kailangan tong linisan!" Takbo ng inay ng binata, na umaakyat sunod ang inay sa kahoy na hagdan.

Nilagay na nila sa isang kawayan na nilatagan ng makapal na sapin si Soffia.

"Inay... Ano kaya ba nyang gumaling.." Pag-aalala ng binata.

"Naku, kagandang dalaga at mukhang kasal nya pa.." Sabi ng Inay nya habang naghahanda ng malinis na towel at nilagay sa noo ni Soffia.

"Inay paano ang dugo! Wala tayong pampalit dyan!" Sumbat ng binata, kasi ang inay nya ay kampante na umupo tabi ni Soffia.

"Okay na Sebastian." Sabi ng inay na kita ang tahi sa tyan ni Soffia na kita na halos, dahil sa tela ng wedding dress, pero natatakpan ng dugo. "Umalis ka na, may gagawin ka pa sa bukid diba?" Sabi ng inay at ningitian ang anak.

"O-opo.." Sabi nya at lumabas ng pinto ng kwarto at lumingon pa ng isang beses kay Soffia.

"Naku anak! May asawa na to! Itigil ha!" Sabi ng inay na minamadali ang anak na umalis sa kwarto dahil kailangan pa palitan ang damit dahil basa.

"Inay naman oh! Aalis na!" Sumbat nya at maya-maya'y naka-alis na.  


*****

Author: Please don't forget to vote and comment. Give me enjoyment too. Just a little bit, pretty please?  

The Victim Of Kidnapping Case - Closed (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon