#J20/Tsunami.

2.1K 62 2
                                    


#J20/Tsunami.

Flashback ng matagpuan ni Drei si Soffia kasama si Sebastian at nakasakay na sila dito sa bangka.

Sebastian's POV

Pag-alis nila di ako mapakali sa kilos ni Soffia na di ko maintindihan.

Nakangiti siya pero pinagpapawisang niyakap si Drei.

Kaya naman pagandar pa langn g bangka pumunta ako agad para silipin sila mula sa mataas na gubat pababa sa dagat kung saan kita ang isla.

Doon yung nag-kwento si Sebastian ng 'tale' na kita ang isla na may mataas na post light na kapag gabi ay may umiilaw na pula.

Pero sabi ni inay bawal daw diyan pumunta, pero bakit dun sila papunta?

Huminto pa talaga sila doon.

Sobrang liit na at halos hindi ko na makita, pero ang palubog na araw na ang nagbigay ng ilaw sa banka nila na parang itim na anino na lang sa layo.

******

Kinabukasan...

Nang hapon pag-uwi ko galing palayan.

May barangay tanod na may dalang megaphone ana nag-anounce. "Inaanyayaan na lumikas ang lahat! May bagyong tatama sa ating lugar! Signal number three! Mamayang gabi! Bukas na ang mga speed boat para alalayan ang lahat makatawid!"

Nagpanic si inay at itay at agad nilang kinuha ang mga importanteng gamit, at sinakay na agad sa speed boat, kasama ng iba pa naming kasama na taga kabilang ibayo pa ng bukid.

Nang maihatid na ang lahat at nagsimula na ang ulan sa karatig syudad.

Naaalala ko si Soffia at ang kwento sa isla...

"Anak! Lika na!" Sabi ni Inay pero tumakbo ako pababa sa pinagtalian ng speed boat.

"Mang Kano! Pahiram po ako nito!" Tinanggal ko agad ang tali ng pinagtaliaan sa bangka.

"Anak! Saan ka pupunta!" Sabi ni inay na dahan-dahang bumaba.

"Inay! Nandoon pa sa isla na iyon si Soffia! Dun lang siya nakatira! Naaalala ko yung sinabi niya!"

Flashback

Kumakain kami..

"Iha Soffia, san ka ba nanggaling at napadpad ka dito..." Sabi ni inay at alam ko ang tinatanong niya ay ang tungkol sa sugat na natamo niya.

Gulat din ako na tama ito ng baril.

"G-galing po ako sa i-isla... Nandun po ang asawa ko nakatira..." Sabi niya na nauutal, mukhang ayaw niya pa sabihin sa amin pero sinabi niya pa rin.

"Saang isla?"

"Hindi ko po alam.."

"Ah...."

End of Flashback

Isla?

At ang isla na iyon ay ang nasa kwento na pumapatay ng mga mangingisdang tumatawid at sa mga nananatili diyan panandalian!

T-teka!

Di naman ata..

Kwento-kwento lang y'un..

Pero kung doon nga sila nakatira!

"Anaak! Anong ginagawa mo!" Sigaw ni mama ng itulak ko sa pangpang ang bangka.

"Hoy! Sebastian! Hindi na pwede pumalaot ngayon! Gusto mo bang-" Sabi ng may-ari.

"Mang Kanor! Pasensya na ho! May kaibigan po ako sa kabilang isla! Babalik rin po ako agad.." Ramdam ko na sa basang pantalon ko na umabot na sa tama ang tubig para paandarin.

The Victim Of Kidnapping Case - Closed (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon