#J10/Happiness.

2.3K 60 0
                                    

#J10/Happiness.

Nagising akong masakit ang likod at leeg ko sa ngalay.

Woah..

Kinapa ko rin yung tyan ko, completely healed.

"Oh! Isang linggo kang nagpahinga, akala ko di ka na gigising..." Sabi ng isang matanda na naka daster, at ngumiti sakin.

Pagkapasok nya ay sinubukan kong umupo at tumayo dahil para tulungan sya na may dalang mga gulay.

"Salamat iha... " Pagkalagay ko sa di-tiklop na mesa nila.

At sabay narin pagkarinig ko ng mga sunod-sunod na pagbuhos ng tubig sa labas kaya naman napadungaw ako.

Nakita ko sya na napahinto sa pagbuhos ng tabo ng makita nya siguro yung mukha ko sa maliit na bintana.

Wala syang damit at naka brief lang na naliligo sa labas.

"Hehe! Pasensya na! Kung nakita mo kong nakaganito! Nasanay eh! Wala namang ibang tao dito!" Sabi nya at lumapit sya sakin.

"Gising ka na.... Grabe yung pinag-daanan mo, magpahinga ka pa..." Sabi nya na nag-aalala sakin.

I can't help but to check him out.

Sobrang lalaki sya tingnan sa kayumanggi nya na kulay, na di namang ganung sunog. May pagkaitimang labi pero mapula pa rin, at hindi mo sya maiiwasan tingnan dahil maganda ang mata't matangos na ilong.

"Okay na ako, salamat sayo." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Ang ganda mo naman, ako pala si Sebastian! Ikaw?" Tanong sakin ni Sebastian.

Nice name.

"Soffia.."

"Soffia, magandang pangalan.." Napasandal sya sa pader ng bintana, flexing his fine toned muscle.

"Salamat, ikaw rin." Sabi ko at nagulat ako ng may pumukpok ng tabo sa ulo nya na matandang lalake na nagpayuko sa kanya. Ang lakas ng tunog ah.

"Ikaw! Di ka ba nahihiya! Pasok dun magdamit ka, akala mo model kung maka-asta..." Sabi ng tatay ata niya, kasi ang laki ng hawig.

"Aray! Itay! Eh model naman talaga to oh!" Naglakad sya at ginawa niya yung gym stunt na nagpapakita ng biceps na parang galit. "Eto pa!" Tapos inipit niya naman sunod ang kaliwang braso para kuno sa daga. "Oh diba! Model!" At tumayo pa sya ng hawak ang magkabilaang bewang na ikinatawa ko ng malakas at bato ng tatay nya ng tabo at ilag niya ng ulo niya.

Grabe, di ko inakala na tatawa pa ako ulit ng ganito.

Medyo masakit lang sa tyan pero onting kirot na lang, mas masarap pa ang tumawa at di pansinin ang onting kirot.

Samantala...

Sa parehas na araw...

May isang lalaki na nakadamit-pulis na naghahanap kay Soffia gamit ang isang larawan na dala sa isang tindahan sa syudad ng cebu na may sugat sa kamay o sa kamao nito.

"Pasensya na poging pulis, wala eh... Girlfriend mo ba?" Sabi ng tindera sa kanya at tumango lang ito.

"Tanong-tanong ka pa dyan! Mahahanap mo rin-" Di pa nakakapagtapos mag-salita ang ale ay iniwan na siya nito.

*****

Author: Please don't forget to vote and comment. Give me enjoyment too. Just a little bit, pretty please?  

The Victim Of Kidnapping Case - Closed (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon