#J19/Storm.
Nagsimula ng dumilim ang paligid, at papatak-patak na ang ulan.
Napatayo at napatakbo si Drei para iangat ang katawan ni Soffia sa mga lap niya. Habang nakaluhod ang isang tuhod.
"Soffia!" Sabi niya at sinasampal niya ng dahan-dahan ang mukha nitong namumutla at wala ng malay na nakalaylay na ang mga kamay sa umaalon na dagat.
"F*ck! Soffia! Gumising ka nga! Magagalit ako!" Pagkasabi niya non napadilat si Soffia ng kapain ni Drei ang pulse sa leeg at nilapit ang tenga sa ilong para makita ba kung humihinga pa ito.
"D-drei... Nasa impyerno p-pa rin ako.."
"O F*ck! Soffia! Teka lang! Subukan mong pumikit! Ikukulong kita pag gumaling ka!" Pananakot ni Drei pero ang gusto niya lang talaga eh, mailigtas si Soffia.
"Drei... Kung nagkita ba tayo....Kung sinubukan mo akong ligawan.... Baka nasagot na kita... At di na tayo pa dumaa- *cough* an pa sa ganto.." Sabi niya na nakaluhod at tuluyan ng pumatak ang ulan.
"Tumahimik ka! Soffia! Kakargahin-" kinarga na siya ni Drei ng bridal, pagtayo "kita..." Umuulan na ng malakas kaya di niya napapansin na umiiyak si Soffia sa hapdi ng likuran kasama na rin ang hampas sa mukha na ginawa sa kanya ng isang pirata.
Pikit ang mata ni si Soffia sa kanan sa maga at may pasa ng imprinta ng kamay sa mukha niya.
Pinasandal ni Drei si Soffia sa puno at nakatingin lang ito kay Drei na may kinuha na mga yero. At niligay ito sa baba tapat ni Soffia. Sunod niyang kinuha at binalatan para maging kalansay na bakal ang kama.
Kahit na nararamdaman ko basa ang aking mga mahahabang buhok, kahit na masakit ang likod at pisngi ko, gusto ko pa rin masaksihan ang ginagawa ng asawa ko.
Dumudugo yung noo niya at dala niya ang isang kalas na bakal ng kama sa taas ng ulo niya. Makikita mo ang mga ugat ng muscle niya na naglalabasan at ang nagmamadaling mukha niya. Nakahubad pa rin ang pangitaas niya at yung pantalon niya sara pero ang sinturon eh hindi nakakabit sa isa't-isa. Wala na siguro siyang time na ayusin pa.
Napapaubo ako saglit ng ipatong niya sa gilid ko ang isang kalansay na bakal ng kama sa kaliwa.
"Soffia.." Lumuhod siya agad sa akin kasi nanginginig na ako sa lamig, at sa ragasa ng ulan... "Soffia please.... huh.." Hawak niya na pala ang dalawang pisngi ko, nakikita ko siyang parang umiiyak pero hindi ulan lang to. "Kayanin mo to.." Pagkasabi niya niyan biglang lumakas ang tibok ng puso ko at pinilit kong itirik ang mata kong naninilim na sa pagod.
Si Drei ba talaga to?
Nag-aalala ba siya sakin?
Hinalikan niya ako dahan-dahan.
"Ipakita mo sakin na matapang ka Soffia.... " Masinsinang sabi niya na iniligay pa ang noo sa noo ko habang tumutulo ang ulan sa aming dalawa. Nakatitig siya sa akin at ako rin sa kanya pero nanginginig at napapasma na ang aking mga pilik-mata. Pero pinilit ko pa ring tingnan siya.
Tumango lang ako dahil pati rin mga kabi ko nanginginig na. Na naghudyat sa kanya na ituloy ang ginagawa niya.
Pinikit ko sandali ang mata ko..
.
.
Nawawala na yung pag-iisip ko.
Nilagay na ni Drei ang isa pang kalansay na kama sa kabilang gilid ulit ni Soffia at nilagay na ang bubong pa sa ibabaw nito at sa likod rin non. Binuhat niya si Soffia papasok at nilapatan niya ng mga tarpaulin ang mga butas at itinali niya ang mga bakal ng kama sa mga puno na nakapalibot, pati na rin sa lupa na tinuhugan ng mga pinukpok niya na bakal na patulis pailalim sa lupa.
Dinugtungan niya pa ang ginawa at kinuha ang maliit na stove sa nasira na bahay. At hinakot niya yung mga plastic na binigay sa kanya ng mga tuta niya.
Kinuha niya rin ang bala sa likod ni Soffia, na nagpaiyak kay Soffia... "Ayoko na Drei!... Hi...Masakit na..." Iyak nito na nakaupo at nakasandal sa isang sirang maliit na sofa sa loob. Tinangal niya na ang kagamitan at binalik ito sa medic kit at hinanda na ang bandage palibot sa katawan ni Soffia.
"Aray.." Iyak ni Soffia..
"Psh.. Hindi na kita sasaktan. Last na to.." Niyakap niya si Soffia na nagiinit na at inaapoy ng lagnat sa likod ng maliit na sofa na sira ang paa para kumasya sa loob ng munting bahay-bahayan.
Binuksan niya ang maliit na kalan at kinuha ang lighter sa bulsa.
"Sh*t! Basa!" Pinunasan niya ito at kiniskis ng kiniskis hanggang sa umapoy ito.
Inusog niya si Soffia banda sa todong lakas na apoy ng kalan para mainitan.
Lumabas pa si Drei para kumuha pa ng mga masasalbang pangpatong sa katawan ni Soffia.
"Sh*t!" Napamura siya ng sa pagkakalkal niya tumama pa ang kamay sa isang matalas na yero.
Hanggang sa meron nga siyang makuha.
Tumakbo siya agad at nilagay niya ito kay Soffia na inangat ng konti ang likod sa lying sofa.
Nagbihis na rin siya ng tuyong pantalon, at agad na siniksik ang sarili sa likod ng katawan ni Soffia, para mas lalo pa siyang mainitan ng tuluyan.
Niyakap niya si Soffia na hubad ang katawan, para magsilbing padagdag init.
Nilagay niya ang ulo sa isang balikat ni Soffia ng umaray si Soffia at nanginginig.
"Soffia... Magagalit ako pag hindi mo to kinaya." Bulong niya kay Soffia na inilapit ang bibig sa tenga, kasabay nito ang pagsabit ng ilong nito sa mga hibla ng buhok niya.
Napapikit si Drei ng nararamdaman na ang sobrang hilo na nawala dahil sa adrenaline rush para iligtas si Soffia.
Pinipilit pa rin ni Drei dumilat para mabantayan si Soffia ng maya-maya....
.
.
Ay itinutok niya ang baril sa taong sumilip sa kanilang bahay-bahayan.
Napataas ang kamay ni Sebastian sa gulat.
Matalim itong tiningnan ni Drei..
"Pare! Ang lalim ng sugat mo sa noo! Kaibigan ako ni Soffia! Tutulungan ko kayo! Babaha na dito! May bagyong paparating!" Sigaw niya kay Drei at binaba na ang baril sa kanya.
"Paano tayo lilikas?" Sabi ni Drei nang umupo si Sebastian sa buhangin.
"A-anong nangyari kay Soffia.."
Itinutok ni Drei ulit ang baril kay Sebastian. "Sabi ko paano tayo lilikas.." Malamig na sabi nito na ikinagulat ni Sebastian at napahawak siya sa likod sa buhangin
"Sa-sa motor boat ko!"
"Delikado diba? Kasi may bagyo?" Sabi niya na ikinatungo nito at binaba na ulit ang baril.
"Kung ganon, hindi kami aalis. Kung gusto mo ikaw at magpakain ka sa pating.." Sabi ni Drei na naaasar.
"Anong gagawin mo kay Soffia!" Buong tapang na tanong ni Sebastian.
"Tch, lilipat tayo dun sa taas ng post light...Buhatin mo ang mga gamit ako kay Soffia, maliwanag?" Sabi niya at napatango lang si Sebastian at sinumalan na nilang ayusin ang mga kailangan paakyat.
******
Author: Please don't forget to vote and comment. Give me enjoyment too. Just a little bit, pretty please?
BINABASA MO ANG
The Victim Of Kidnapping Case - Closed (Tagalog) (Completed)
Mystery / ThrillerSi Soffia Layman ay isang church leader, college student. Isang araw sya ay na kidnapped ng lalake na gusto syang patayin at halayin muna. Mapapatunayan nya ba ang kanyang pananampalataya gamit ang mga salitang: Love you're enemy more than thy self...