Chapter Three: Day 1
Nang makauwi si Jaimie dumiretso agad siya sa kwarto at binuksan ang laptop niya.
Kaka-open pa lang niya nang facebook tumambad na agad sa newsfeed niya ang mga pictures nilang magkakaibigan sa park at sa lantern festival.
Tinitignan niya ang mga pictures ng biglang mag message sakanya si Aria.
Aria sent a photo.
Pagbukas niya ng chat box tumambad ang picture nilang dalawa ni Yuki.
Si Yuki na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga lantern na lumilipad at si Jaimie na nakatingin kay Yuki.
Ang ganda ng pagkakuha sakanilang dalawa.
Aria: Ang cute niyo jan. I-wallpaper mo na!
Jaimie: Eh?
Aria: Aarte pa ba Jaimeng? G na. Para sa ekonomiya ng Pilipinas!
Hindi alam ni Jaimie pero sinunod naman niya ang sinabi ng kaibigan.
Sinave niya yung picture sa cellphone niya at muling pinagmasdan ulit ito.
Bagay talaga... Char.
Ginawa niyang homescreen ang picture nilang dalawa samantalang lock screen naman ang groupie nila sa lantern festival.Ang saya nilang tignan. Sana lagi na lang masaya.
Pasarado na si Jaimie ng laptop niya ng may magmessge ulit.
Juan Inigo message you...
Nanlaki ang mata ni Jaimie sa nabasa.
'What the effin fck?! Bakit naman ako chinat ng gagong to?'
Nag-iisip si Jaimie kung bubuksan niya pa ang message o matutulog na.
Si Inigo. Ang ex niya.
Ilang minutong nakatitig si Jaimie sa chatbox na yon. May kung ano sa sarili niya ang tumutulak na buksan niya ito.
Huminga siyang malalim at saka cinlick ang chat box habang nanginginig pa ang kamay.
Juan Inigo: Kamusta?
'Tngina mo. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo may lakas ka pa ng loob na i-chat ako ng kamusta?!'
Jaimie: Oh buhay ka pa pala? Bakit hindi ka pa namatay na gago ka? Wag mo kong makamusta kamusta na parang walang nangyari. Ge bye.
Pagkasend ni Jaimie nun binlock niya agad ito sa messanger.
"Gagong yon. Lakas ng apog." Inis na sambit ni Jaimie at sinarado ang laptop niya.
Nagbihis at nagtoothbrush si Jaimie bago dumiretso sa kama.
Kinuha niya ang cellphone niya at tinitigan ang home screen niya ng biglang may nagtxt.
From: Yuki
Goodnight, Jaimie.Halos mapatalon si Jaimie sa gulat.