Chapter Ten: Yuki

110 4 4
                                    

Chapter Ten: Yuki

Nakarating na sila Madel sa library.

Unang nagtungo si Madel sa information desk at naghanap ng kahit anong bagay na pwedeng magbigay ng liwanag sakanila.

Luckily she found a flashlight.

"Nice," Clarene mumbled.

Mabilis silang nagtungo sa mga foreign books.

40 minutes left.

Na kay Clarene ang dalawang bondpaper kung saan nakasulat ang kanji na kailangan nilang matranslate.

Nagtulong ang dalawa sa paghahanap ng english-japanese na libro at pati na rin ng japanese na book na pwedeng makatulong sakanila.

Nang makahanapsila ng mga libro na pwedeng makatulong sakanila ay agad silang umupo sa sahig at nagsimula ng buklatin ang mga ito.

Una nilang tinuonan ng pansin ang 貴.

32 minutes left.

Ilang minuto na ang lumilipas ngunit hindi pa rin nila mahanap ang translation nito.

Nahihirapan sila dahil bukod sa wala silang alam sa japanese isa kang ang flashlight nila,

23 minutes left.

Kinakabahan na ang dalawa kaya mas binilisan pa nila ang paghahanap.

"Madel, ito ba yon? Oo, ito nga!" Sambit ni Clarene ng pagtabihin niya ang nakita niya sa libro at ang bondpaper na hawak hawak nya.

"Gotcha."

= valuable

Sinunod naman nila hinanap ang 由.

Medyo nahirapan sila sa parteng ito dahil hindi nila mahanap at nakakalito ang mga nakasaad sa libro.

15 minutes left.

Pinagpapawisan na si Clarene dahil sa tarantang nararamdaman niya. Nakukulangan siya sa oras, baka hindi sila umabot.

9 minutes left.

Maghahanap na sana sila ng panibagong libro ng mapukaw ang atensyon ni Madel sa letrang hinahanap nila.

= reason, cause

Nahanap na nila ang meaning ng mga ito. Akala nila tapos na pero patuloy pa rin ang pag-ubos ng oras.

"Bakit hindi pa rin himihinto?"

"Baka may hindi pa tayo nasosolve?"

Nagsimula silang pagdugtungin ang mga nakuha nila meaning. Pero wala silang maisip na kahit ano.

Si Clarene ang nag-iisip samantalang si Madel ay muling tumingin sa libro.

Nabuklat niya ang pahina kung saan nakalagay ang Japanese names translation.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon