Chapter Five: Day 2
Ngayon ang pangalawang araw ng Youth Camp.
Ang insidenteng nangyare kahapon sa horror booth ay parte daw ng pananakot nila. Ngunit para kay Madel may mali, may hindi tama. She needs answers.
Ngayong araw gaganapin ang mga contest sa lahat ng categories. Gaganapin itong lahat sa gymnasium. May mga booth pa ring nakatayo sa school grounds at sa mga classrooms.
Isa-isa ng nagpupuntahan ang mga estudyante sa gym para manuod.
Pababa ng second floor sina Joshua, Jaimie, Yuki, Clarene at Poala nang mapahinto sila sa tapat ng bulletin board.
'Youth Camp Day 1'
Yan ang nakalagay sa bulletin board na may mga kasamang pictures at ilang articles.Tinitignan nila lahat ang mga pictures hanggang sa makita nilang nandoon si Poala.
Napanganga silang lahat at tumingin kay Poala.
"Gaga ka! Ikaw pala yung runaway bride kahapon!" Sambit ni Clarene.
Hindi sumagot si Poala dahil nahihiya siya sa pinag gagawa niya kahapon.
Sobrang kumalat kasi ang issueng yon. Mukhang magiging headline din sila ng school newspaper if nagkataon dahil sobrang nagviral ito sa buong campus.
"Saan mo naman dinala si Gio kahapon aber?" Tanong ni Clarene.
Hindi sumagot si Poala. Kaya niyugyog siya ni Clarene at pinipilit magkwento.
"Baka nirape mo si Gio kahapon ha?" Asar ni Joshua.
"Gago. Mga naiisip mo!"
"Eh saan nga ba kayo nagpunta?" This time si Jaimie na ang nagtanong
(Flashback...)
"Father, runaway with me..."
Hinila ni Poala si Gio na mukhang nagulat sa pangyayari kaya nagpahila na lang siya rito.
Hanggang sa makarating na sila sa rooftop ng school. Doon lang binitawan ni Poala si Gio.
"Wow. Did I really runaway with the bride?" Natatawang sabi ni Gio habang nakatingin kay Poala na nakaupo sa bench.
"Well, father. Yes you really did." Nakangiting sabi ni Poala at kumindat dahilan para mapatawa lalo si Gio.
Umupo si Gio sa tabi ni Poala. May lilim sa kinauupuan nila kaya hindi sila naiinitan.
"You look familiar," sabi ni Gio kaya napatingin si Poala sakanya at doon niya lang narealize na nakatingin pala ito sakanya.
Kinabahan tuloy siya kaya umiwas siya tingin.
"Are you one of Aria's friends? Yung laging sumusundo sa kanya sa music room?"
"Yep. That's me!" Sabi ni Poala at sumaludo pa.
"You're so hyper. I find you really funny. Ngayon pa lang gusto na kita."