Chapter Six: Day 3

122 6 2
                                    

"We should go..."

Tinignan siya ni Joshua. Nagdadalawang isip.

"Tignan na natin."

"Pero..." tututol pa sana si Madel pero naglakad na muli si Joshua papuntang SN building.

Wala ng ibang nagawa si Madel kundi sundan ang kaibigan.

"Joshua...sandali lang." sabi ni Madel habang hinahabol sa paglalakad si Joshua.

Nang makahabol si Madel kay Joshua sabay silang naglakad papaakyat sa hagdan.

Sa hindi kalayuan may nakita si Madel na anino ng isang tao.

Nasa tabi ito ng isang puno at mukhang pinagmamasdan sila.

Sasabihin niya na sana ito sa kaibigan ng biglang tumunog ang cellphone nito.

Agad na sinagot ni Joshua ang tawag.

"May itatagal pa ba kayo? Inform niyo kami para makapag adjust naman kami mga bes,"

Hindi na kailangang tanungin pa ni Madel kung sino iyon dahil boses at pananalita pa lang kilala niya na.

"Pabalik na kami."

Pagkasabi nun ni Joshua ay naglakad na sila pababa.

Naunang maglakad si Joshua pabalik. Samantalang si Madel ay nahuhuli.

Muli ay tumingin siya sa direksyon kung saan nakita niya ang isang anino ngunit sa mga oras na to ay wala na iyon doon.

Umiling siya at inisip na baka guni-gunu niya lang ito.

------

Ngayon ang last day ng Youth Camp. Ang pinaka exciting part sa lahat.

Nasa isang cafe ang magkakaibagan na malapit lang sakanilang school.

Dito nila napag-usapang magkita kita para sabay-sabay silang papasok.

"May ibibigay nga pala ako sainyo," sambit ni Jaimie at may kinuha sa backpack niya.

"Ay kabog bessy! Bet ko."

"Mas bet kita," Sagot ni Clarene kay Poala.

"Ehhh. Paepal. Nag-aano lang ako dito e..."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon