Chapter One: Preparations

413 9 2
                                    

Chapter One: Preparations

"Nakakaloka, pagod na pagod na ngayong araw," sabi ni Clarene nakararating lang.

"Pagod lang. Pag pagod na pagod hindi ka na makatayo." Asar ni Poala na prenteng nakaupo sa sofa.

Nasa music room sila ngayon dahil hinihintay nila si Aria na inaayos pa ang mga musical instruments.

The darkness already conquers the sky.

Konti na lang rin ang mga students na nasa school ngayon dahil kanina pa tapos ang school hours bukod pa rito ay karamihan sakanila ay umuwi agad dahil sa pagod sa pag-aayos ng mga classrooms at booths para sa dadating na youth camp for all senior high.

"Anong booth niyo sa youth camp, Mads?" Tanong ni Jaimie kay Madel na busy sa pagddrawing.

"Art Cafe," sagot ni Mads. Sa kanilang magkakaibigan siya ang pinaka tahimik at mahinhin.

"Eh, kayo naman ba Poala ano plano ng club niyo?"

"Eskerebeboom booth," pabirong sagot nito. Sa grupo nila siya ang pinaka makulit at baliw. Puro kalokohan ang nasa isip.

" Hindi ka na dapat tinatanong e." Sabi ni Clarene.

Natapos sa pag-aayos si Aria kaya makak  auwi na sila.

Habang pababa sila mula fifth floor ay biglang nagnamatay ang ilaw.

"Tngina naman oh, bastusan ba?" Sabi ni Poala mukhang natatakot sa dilim.

Kinuha nila ang nga cellphones nila para gamitin bilang flashlight.

"May tao ba jan?" Tanong ni Jaimie habang pinagmamasdan ang buong paligid.

Pero walang sumagot imbes ay biglang bumukas ulit ang ilaw na kinagulat ni Poala kaya napatili ito ng sobrang lakas.

Nagkatinganan naman yung apat na mukhang may iisa silang gustong ipahiwatig.

Clarene started counting without sounds. Tanging si Poala lang ang walang alam sa pinaplano nila.

"5!"

Kumaripas sila ng takbo at nag-uunahan habang nagtatawanan, Samantalang si Poala sa sobrang taranta ay napatakbo na rin na halos masubsob na.

"Tangina niyo talaga," sigaw niya sa mga kaibigan na mukhang malayo na ang narating.

Mga gago talaga yon.

Pababa na si Poala ng second floor nang biglang sumitsit sakanya tumigil siya sandali at tinignan kung saan galing yon pero ng wala syang makitang tao ay kumaripas na agad sya ng takbo hanggang makarating sa gate ng school kung saan naghihintay ang mga kaibigan nya.

"Ayan na pala," turo ni Joshua sa hingal na hingal na si Poala.

Nagtatawanan silang lahat habang naglalakad si Poala sakanila.

Napansin ni Poala na nandoon pala si Yuki at Joshua isa rin sa mga circle of friends nila. Kanina pa pala sila inaantay ng dalawa sa may school gate.

"Mga pakyu kayo," turo ni niya kina Aria, Jaimie, Clarene at Madel.

"Nagmumura ka na naman. Sasusunod papainumin na kitang zonrox jan." Sita sakanya ni Joshua.

"Edi wow. Tara na nga umuwi na tayo!"

----------

Ilang araw na lang bago mag start ang youth camp. Three days ang itatagal sa buong youth camp. Sa last ng youth camp ang mga students sa senior high ay sa school matutulog.

Sa first day nang youth camp maraming booths ang nasa paligid ng buong school. Meron ding rides at mga inflateables.

Sa second day naman gaganapin ang mga contest. Tulad ng pageants, singing, dancing at iba pa.

At sa last day naman doon gaganapin ang main event. Ang camping kung saan ito ang pinaka masayang parte ng youth camp.

Pangatlong araw ng nagp-prepare ang mga estudyante kaya halos matatapos na sila sa pag-aayos. May mga banderitas na nakalagay sa bawat dadaanan mo. At sa main entrance ng school may nakalagay roong

'Welcome to Hilton Academy'

Marami na ring mga booths ang nagkalat sa paligid at ang mga puno sa cosmic garden ay nilalagyan nila ng mga ilaw na magdadagdag ganda sa paligid pag sumapit na ang gabi.

Sa last day ng preparation halos hindi na magkita ang magkakaibigan dahil sa sobrang busy.

Dalawang araw na lang bago ang youth camp kaya nagmamadali na ang mga estudyante sa pagtapos ng mga gawain nila. Kinabukasan ay walang pasok upang makapagpahinga ang lahat.

Natapos ang buong araw. Lahat ng booths ay naiayos na pati na rin ang gymnasium.

Pasado alas syete na ng nagkakayayaan ng umuwi. Magiintayan na lang ang magkakaibigan sa may lobby ng main building.

Dalawang araw na lang ay magsisimula na.

Magsisimula ng paglaruan ang kanilang buhay dahil ang laro ng kamatayan ay parating na...

-------------

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon