Chapter Four: Day 1 (part 2)

139 10 5
                                    

Chapter Four: Day 1 (part 2)

"Kailangan pa bang may ekek pang ganito?" Naiiritang tanong ni Poala habang minamake-upan siya ng dalawang babae na humila sakanya.

"Para maganda po kayo sa wedding niyo."

Maganda na ko. May i-gaganda pa ba?

"Pogi ba yung groom ko?" Tanong ni Poala sa dalawa.

Walang makasagot sa dalawa.

"Ayan, tapos na po," sabi nung isang babaeng petite ang katawan.

Tinignan ni Poala ang reflection sa salamin.

Who's this dyosa? No other than Poala! *flips hair*

Pinagsuot si Poala ng isang white dress na bumagay sakanya. Nilagyan din siya ng veil na hindi kahabaan.

Pagkatapos ayusan si Poala ay lumabas na sila sa tent na pinag-ayusan sakanya.

Naglakad sila sa may katabing tent na may kalakihan at kahabaan.

Mukhang doon gaganapin ang kasal kuno.

"Ready na po kayo?" Tumango lang si Poala sa babae.

'Sana pogi yung groom.'

Huminga ng malalim si Poala at binuksan na nung dalawang babae ang entrance ng tent.

Maganda ang loob ng tent. May mga both sides. Nay red carpet din ang aisle na nilalakaran niya. Marami ring mga bulalaklak sa paligid. Ngunit hindi yon ang nakapukaw ng atensyon ni Poala kundi ang lalaking nasa harapan ng altar.

Namukhaan ni Poala ang lalaking yon. Kamember ito ni Aria sa music club. Isa rin ito sa mga crush niya.

Nakangiting naglalakad si Poala papuntang harap dahil sa pogi ang groom niya. Ngunit may napansin siyang kakaiba. Parang iba ang damit na suot ni Gio. Parang hindi pang groom, parang pang pries----

"Sorry late ako!" Napatingin si Poala sa nagsalita.

''Anong ginagawa ni Brenand dito?' Don't tell me....'

"Anjaan na pala ang groom," wika ni Gio na tinutukoy si Brenand.

wtf?! Bakit si Brenand?!

Lumapit si Brenand kay Poala.

"Let's go?"

Hell no.

Pinagdadasal ni Poala na sana madikit ang paa niya sa sahig para hindi na siya makalad pa.

Halos hilahin na siya ni Brenand maglakad papuntang harapan dahil ayaw niyang kumilos.

Sapilitan lang?

'After this fcking wedding divorce agad to.'

Nakarating na sila sa harapan. Nakangiti naman silang sinalubong ni Gio.

"Father, pwedeng ikaw na lang ang groom?"

Nagulat naman si Gio sa sinabi ni Poala. Pinipigilan nitong tumawa kaya ngumiti na lang siya.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon