Chapter Thirteen: Saved
It was 3am in the morning ng muling umilaw ang bracelet.
Go to the old gym. You have 30 minutes.
Dalawa ang gym ng hilton academy. Ang old gym ay pinaglumaan na ang isa naman ay ang gym kung saan sila nag assembly.
Si Poala at Gio lang ang gising sakanila sa mga oras na ito.
"Gisingin na natin sila."
Dahil nasa pinaka dulong bahagi ng school ang old gym ay medyo malayo ang kailangan nilang lakarin.
Isa-isa na nilang ginising ang mga kasamahan.
They are about to leave when Jaimie stops.
"Bakit?" Tanong ni Clarene.
Napansin nila kung saan nakatingin si Jaimie.
Ang friendship bracelet nila. Napatid na.
Nagpalit palit sila ng tingin.
No. Hindi pwede.
Mabilis na umalis si Jaimie sa kwarto.
"Jaimie! Saan ka pupunta?!" Sigaw nila.
"Baka mapahawak ka! Delikado!"
"Susunod ako! Pumunta na kayo ng gym. Susunduin ko lang sila."
Balak pa sanang habulin ni Poala ang kaibigan pero pinigilan siya ni Madel.
"We just need to trust her. Babalik siya. Sa ngayon kailangan na nating umalis."
Palabas na sila ng MR. Building. Muling lumingon si Poala.
Bumalik kayo.
--------------
Joshua. Yuki. Hintayin niyo ko. Sana hindi pa ko huli.
Pinahid ni Jaimie ang mga takas na luha sa mga mata niya.
Hindi ito ang oras para umiyak at maging mahina. I have to be strong for them. For our friendship.
Nasa third floor na si Jaimie ng may makita siyang dalawang anino ng tao.
Mabilis siyang naghanap ng pagtataguan.
Jaimie, wag kang matakot.
"Konti na lang pre."
Agad na naalarma si Jaimie. Ang boses na yon.
Lumabas siya sa pinagtataguan niya at hinarap ang dalawa.
"Yuki..." sambit niya they are staring to each others eyes. Agad na napadako ang paningin niya kay Joshua.
"Oh god," mabilis na lumapit si Jaimie.
"Anong ginawa mo sakanya, Yuki?!" Asik ni Jaimie.