Chapter Two: Wonder Friends

232 9 5
                                    

Chapter Two: Wonder Friends

Isang araw bago ang Youth Camp.

Dahil walang pasok ngayon nagpasya ang magkakaibigan na gumala na lang.

"Hello there, wonder pets! Este wonder friends pala," masiglang bati ni Poala na kararating lang sa meeting place nila.

Plano nilang magpunta sa kalapit na bayan dahil may gaganapin dung lantern festival.

Dahil 6pm pa mags-start ang lantern festival na pupuntahan nila naisipan nilang magpunta muna ng park para mamasyal.

Nang makumpleto na silang magkakaibigan ay pumunta agad sila sa park.

Marami-rami rin ang mga taong nandoon. May pamilyang nagpipicninc, mga batang masayang naglalaro at magkakasintahang nagd-date.

Napako ang tingin ni Jaimie sa magkasingtahang masayang nagkkwentuhan habang kumakain ng ice cream.

Dahan-dahan siyang napatingin kay Yuki na nasa bandang harapan niya na nakikipag-usap kela Madel.

Sana maging ganyan din tayo.

"Laway mo girl patulo na," pagbibiro ni Aria kaya mabilis na pinunasan ni Jaimie ang gilid ng labi niya.

"Wala naman e," sagot niya kay Aria. Tumawa lang ito.

"Napaghahalatang pinagpapantasyahan mo si Yukibells ha,"

Biglang namula si Jaimie.

"H-ha?! Ano bang sinasabi mo jan? Abnormal ka na naman!" Pagtatangi nito.

"Sige, deny pa! Kunware naniniwala ako," sambit ni Aria habang tinataas baba ang kilay nya.

Napatingin ulit siya kay Yuki sakto naman bigla tong ngumiti habang nakikipagkwentuhan pa rin sa iba.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Jaimie.

Wtf. Not now. Please not now.

Bahagyang napaatras si Jaimie ng ilagay ni Aria ang ulo nito sa may bandang dibdib niya.

"Hindi ka nga inlove kaya pala lakas ng tibok ni baby heart."

Gustong magdeny ulit ni Jaimie pero hindi nya na ginawa. Masyado na siyang halata at bistado.

Kinakabahan siya sa mga oras na to. Isa na sa mga kaibigan niya ang may alam ng sikreto niyo.

Sikretong may gusto siya sa kaibigan niya.

Nang una niyang maramdaman yon alam niyang mali. Alam niyang bawal dahil nasa iisa silang circle of friends. Isa pa doon isa yon sa rule ng friendship nila, na bawal magkagusto sa kahit sinong nasa grupo.

But she tried so hard to stop what she felt for him. Pero wala, nabigo siya.

His smiles are the reason why she fell for him. 

Tumingin siya kay Aria, "Aria, please wag mong sasabihin kahit kanino."

Ngumiti lang si Aria sakanya.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon