Sleighther's POV
Ugh. Girls. Alam niyo kasi readers, pag sinaktan kayo ng taong mahal niyo, lalo pa't hindi kayo, tigilan niyo na. Alam niyo kung mangyayari pag pinagpatuloy niyo? Tingnan niyo na lang si Zharisse.
Napakarude ko naman siguro kung hindi ako magpapakilala.
So uh, hi. I'm Sleighther Dave Tan. Half Chinese, pure gwapo. Ang aangal hahalikan ko. *Smirk* 16 na ako. Currently studying at St. Louis Academy, 4th year. Crush ng campus. NGSB. Cool lang ako sa lahat ng bagay. Hindi mo malalaman kung masaya ba ako o hindi. Plain lang mukha ko e. I don't smile to anyone.
May tae, I mean ate din pala ako. Si Slamee na napaka-annoying. At may makulit na kapatid. Kilala niyo na siya diba? Sly is his name.
Maraming nagkakagusto sa akin, pero di ko sila gusto. May gusto ako, pero iba ang kanyang gusto. Gets? Nagmamahal ako sa taong may mahal ng iba.
Kilala ko si Ram, ofcourse. Barkada ko siya. Close din ang family namin. Pero parang magiging kaaway ko na siya ngayon. Bakit? Kasi sinasaktan niya ang taong mahal ko, unintentionally.
Siguro naman may idea na kayo kung sino ang taong mahal ko. Yes. It's Zharisse.
Matagal ko na siyang kilala. Kilalang-kilala ko siya. Kahit amoy niya lang, alam kong siya na. Mas nauna niya akong nakilala kesa kay Ram. Kilala ako ng mama niya. Close ang family namin. Sabay kaming umalis dito sa Pilipinas.
Mahal ko na siya, noon pa lang. At alam kong ganun din siya sa akin. Noon. Pero ng dahil sa aksidenteng yun, nawala nalang lahat sa isang iglap. Nawala ng ganun kabilis. Ganun kadali.
Nung nagising siya sa hospital, mabilis pa sa alas-kwatro akong pumunta doon, at nadatnan ko si Tita (mama niya), na umiiyak. I asked her mom, why is she crying. And she said
"She can't remember us Slei. Hindi niya na tayo natatandaan. Nagkaroon siya ng amnesia."
Hindi agad nagsink-in sa utak ko ang nangyari. Parang ang bilis ng pangyayari.
Kinausap ako ng mom niya na kung maari daw ay wag ko daw muna siyang kakausapin hangga't maaari, sa hindi malamang dahilan ay pumayag ako. Sinundan ko lang siya ng sinundan. Hanggang dito sa Pilipinas.
Pinilit ko si Mom na umuwi ako dito sa Philippines. Pumasok ako sa different school, dahil yun ang sabi ng mom niya. Yes, may communication pa rin kami ng mom niya. Kailangan ko kasi siyang bantayan.
Anyway, nandito lang ako sa kama ko kasi napakaingay ni Sly at Slamee sa baba. Nag-aagawan ng remote kasi ang gusto ni Sly Cartoon Network tapos si Slamee Disney. Tss feeling bata talaga yung babaeng yun.
Nag-exchange numbers na pala kami ni Zharisse. Bilis no? Naman. Subukan niya lang tanggihan ang charms ko. And alam ko namang nabighani yung babaeng yun sa'kin, kanina pa lang sa park.
Nashock nga ako na kasama niya si Sly. Hindi ko talaga yun inaasahan, kasi naman ang kulit ng batang yun. Yung mata niya pagkita sa akin nagsparkle. Ang cute. Aish. I'm being corny again. Pasensiya, corny ako pagdating sa kanya. -_-
Biglang nagring yung phone ko.
*Does the moonlight shine on Paris, after the sun goes down*
Aish. Hindi ko pa pala napapalitan yung ringtone ko. Hindi porke't cool ako, rock na ang papakinggan ko. May naiintindihan ka ba sa rock? -_- Ako wala.
I answered my phone.
"Hello?" Walang gana kong sagot.
"H-hel-hello, h-help pl-please."
Sht. It's Zharisse.
"Zharisse? Is this you?" I said.
"Y-yes. H-help please. I ne-need y-you n-now Slei *toot* *toot* *toot*"
Fck. I immediately wore my shirt and went to her house. Mabuti nalang talaga malapit lang bahay niya sa amin.
Binuksan ko ang gate niya, I mean sinira. Naka-lock kasi. Bukas ang pinto niya. Kinabahan ako. Pagpasok ko ng bahay nila, OMFG. kalat lahat ng gamit sa loob.
Pumunta ako sa kwarto niya. Pagbukas ko........ Natigilan ako.
"No Zharisse. No"
A/N: Bweheeee. BItinin ko muna kayo. Vote and Comment <3 Sleighther on the right <3