1 - The End

34.3K 503 24
                                    



Dear readers, The Rugged Rancher by Makris Orpilla and published by Sensation Press is now available via shoppee, lazada and tiktok of Anvil Publishing. Grab your copy for only P125!

 Grab your copy for only P125!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you for your support!


Sa dinami dami ng araw bakit ngayon pa.

Naramdaman ko ang kakaibang sakit. Wala akong nagawa kundi pabayaang pumatak ang luha sa aking mga mata. Animo'y isang bangungot na sa matinding kagustuhan kong kumawala ay nilalamon ako ng kadiliman. Sa bilis ng aking pagtakbo papalayo, papalabas ng bahay na iyon, di ko na inalintana ang lakas ng ulan. Di ko man malaman kung saan ako pupunta, tinuloy ko pa rin ang pagtakbo, sa pag-asang makakatakas ako sa panibagong hapdi na dinulot nya sa aking puso.

O sige, OA na kung OA, pero sobrang sakit naman.

Akala ko ay may pag asa na. Lahat daw ng bagay nagagawan ng paraan. May solusyon raw sa lahat ng problema.

Pero sa pagkakataong ito. Masasabi kong kailangan ko na sumuko. Kung hindi ay mauubos ang katinuan ng isip ko.

Kung sana ay nagfocus ako noon sa sports kaysa isinubsob ang sarili sa pag-aaral nakatulong sana sa sitwasyon ko ngayon. Dahil nanghihina na ko sa pagod. Gaano kalayo na kaya ang naitakbo ko? Baka pwede na ko sumali sa Fun Run next time.

"Denisse! Wait!"

Kung kailan naman nakakalimutan ko na sana siya, saka pa siya humabol. Binilisan ko pa ang pagtakbo nang marinig ko ang tinig na gusto kong takasan.  Ngunit mabilis sya at maliksi.

"Please Denisse! I want to explain."

Naabutan nya ako. Hinila at pilit na niyakap. Pero hindi ako nagpatinag. Nagpupumiglas ako habang kaya ko pa. Nararamdaman kong nauubos na ang aking lakas. Kasabay ng pagkaubos ng paniniwala kong mababago ko pa ang mga bagay bagay.

"No need to explain. I get it now."

"No. I love you!"

Muntikan na akong sumagot ng I love you too pero nangibabaw ang galit na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.

"Adik ka ba!? Ngayon mo pa sasabihin sakin yan? Matapos lahat ng ginawa mong hayup ka!"

"Denisse. . ."

Sa sobrang pagiyak ko napayakap sya lalo sa akin.

"Wala kong pakialam kung hindi mo ko maintindihan. Igoogle translate mo kung gusto mo o maghire ka ng interpreter. Pero peste ka sa buhay ko! Puro sakit lang dinulot mo sa kalooban ko tas gagu ka sasabihin mo mahal mo ko? Wag ako! Ulul!"

"Denisse."

"Sabi nila be patient raw ako sayo. Sabi nila time will come magbabago ka din. Pero ano na naman to?!"

"Denisse. . ."

"Sasabihin mo yan dahil lang aalis na ko? Sasabihin mo dahil lang nagagalit na ko! Finally nagalit nako. Sinagad mo na eh."

"Denisse. . ."

"Ano to roll call? Isa pang tawag mo ng Denisse bibigwasan na talaga kita! Wala kang kwenta! umph..."

Hahampasin ko na sana siya ngunit napatigil na ko kasi he kissed me.  And damn, his kiss obliterates me!





SAMPLE ONLY. First five chapters are posted here in wattpad. To continue with the other chapters, please send me a message and I will send you the link. Thank you.

***

Author's Note:

So ito na nga. Fast forward muna tayo ng konti. Pero hindi pa ito ang The End. Chapter 1 pa lang naman.

Possible na ito na ang the end ng story nila pero hindi pa naman nagsisimula, kaya samahan nyo ako at subaybayan natin ang story nilang dalawa.

This is my second Tagalog story pero hindi ko pa kasi tapos ung isa.

To my foreign readers and followers of "The Billionaire's Wish", I will be posting another English story soon. Just bear with me first as I want to try writing Filipino novels. Thank you so much! Your support and love for my previous books makes me want to write more.

Sa mga current followers and readers ko na Pinoy, para sa inyo ito. Hope you like this. Hopefully makapag update ako every week.

Don't forget to comment and vote!

Thanks guys!

The Billionaire's BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon