11-Contract Signing

8.3K 224 16
                                    




Naglakad lamang kami patungo sa isang restaurant sa The Fort Strip.

"You'll meet another friend, he's a lawyer and the one who drafted the contract. He has with him the revised copy so we can both sign. You can keep the other one if you want, the one from our first meeting. Both of them are valid anyways."

Nasa langit na ako kanina ngunit ngayon naalala ko na dapat tumapak lamang ako sa lupa. Natigilan ako at dahan dahang binitiwan ang kamay niya. Naramdaman siguro niya ito kaya't inakbayan naman ako.

Mixed signals ka na naman Warren. Iba ang sinasabi niya sa ipinapakita niya. Alin ba doon ang papaniwalaan ko?

"Are you alright?"

Eh kung sabihin ko bang hindi ano ang gagawin mo?

"Just tired I guess."

"Come on, the food is already served. You have to eat more. You're getting thinner."

Para namang may comparison ka, kakakilala lang natin.

"Pardon?"

Hala. Nasabi ko pala ng malakas.

"Nothing."

Pagpasok ng restaurant ay nagmamadali pa ang receptionist na ipakita sa amin ang lamesa kung saan naghihintay ang kaibigan niyang abogado. This means we don't have to pretend kasi alam naman niya ang totoo. E bakit nakaakbay pa rin siya sa akin? May iba kayang tao dito?

"Denisse, this is Rovic."

Guwapo rin ang kaibigan niya para ring artista kagaya nila ni Marie. May pagka-boy next door na kaguwapuhan. Wala bang kakilalang pangit ang taong ito?

Kakamayan pa sana ako ni Rovic nang hinila na ako ni Warren papunta sa kabilang side ng lamesa. Gentleman talaga siya. Pinaupo muna niya ako bago siya naupo sa tabi ko.

"Nice to finally meet you Denisse. Aww!" 

Parang gumalaw ng bahagya ang mesa.

"Rovic."

"Fine. Let's eat first before I show you the revised papers."

Kahit kumakalam na ang sikmura ko ay parang nawalan ako ng gana kumain. Nawalan ako ng gana sa lahat. Panandalian lang pala ang kaligayan ko kanina dahil peke nga lang pala ito. Fake. Pagpapanggap. 

"Denisse. Let's eat."

Gustuhin ko mang magpabebe at huwag kumain hindi puwede dahil pinalaki ako ng mga magulang ko na may respeto sa biyaya. Isa pa, nakakahiya sa kaibigan ni Warren. Wala naman siyang kinalaman sa kahibangan kong ito.

"Try this Denisse."

Hindi ko alam kung nang-iinis ba talaga itong mokong na ito o gusto lang niya akong patayin sa pagkain ng hopia. Sinubuan ako ng isang maliit na pirasong chicken.

"Thanks. It's good." Masarap naman talaga hindi ko lang maappreciate ngayon kasi nga nagpapabebe nga ako.

"That's Warren's favorite dish. Everytime he eats here, that's his order."

Siyempre ngumiti lang ako. Ano pa bang dapat sabihin.

"Are you sure you're alright? We can go home now if you want."

Nahalata na ako. Concerned kaya talaga siya sa akin? O dahil lang may ibang tao?

"Don't worry about me. I'm fine. Just eat."

Bravo! Isa na akong ganap na artista. Bea Alozo, move over! Nakuha ko pang ngumiti ng maganda para mapaniwala silang ayos lang ako.

After we eat, lumipat kami sa isang opisina. Kina Rovic pala ang restaurant at may office siya sa likod.

"Here are the revised papers. All the additional stipulations are there. You can check them before signing."

Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan nang iniabot na sa akin ang kontrata. Nawiweirdohan ako sa kanilang dalawa. Para silang kinakabahan. Hindi ko nalang pinansin kasi baka nag-aalala lang rin sila sa akin. Tahimik lang kasi ako habang binabasa ang mga nakasulat.

Kung dati ay maraming papel sa folder, ganoon pa din ngayon pero parang mas kumapal. Siguro dahil nagdagdag nga ako ng attachment for my terms.

Lutang ang isip ko habang binabasa ang nakasulat. I took my time at tahimik na tahimik sa loob ng opisina. Tanging tunog lamang ng orasan sa dingding ang maririnig.

Pinirmahan ko na ang mga papeles at parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. Praning much ba ako o bakit parang napangiti pa si Warren kay Rovic ng makabuluhan nang matapos akong pumirma?

May signatures na kasi ni Warren kaya't tapos na ang lahat nang iniabot ko kay Rovic.

"Dude, thanks for the help. We're going now."

"No problem. Nice to meet you Denisse."

Hindi na napigilan ni Warren na kamayan ako ni Rovic. Hihilahin na kasi dapat niya ako palabas pero hinawakan ni Rovic ang kabilang kamay ko upang makipag-kamay.

"Thank you Rovic. Nice to meet you too."

At hinila na nga ako ng mamang possessive na fake fiance ko papalabas ng restaurant. Nag-iba ang mood niya. Parang sobrang saya niya at nanalo sa lotto. Habang ako naman nagluluksa dahil paubos na ang hopia na stock ko.

"Denisse. I don't know what the problem is but I think I know something that might cheer you up."

Manhid! Gusto ko sanang isigaw pero huwag na lang.

"Huh? What."

"Come on."

Kung ano man iyon, sana nga mapasaya na ako.




***PLease vote comment and follow me here in Wattpad. Thank you for your support!

The Billionaire's BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon