24-Reunion

7.7K 185 4
                                    


"Denisse! You're awake!" Bakas ang kasiyahan sa kaniyang tinig. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Bahagya ko siyang itinulak para malaman niyang hindi pa kami ok.

"So. . . sorry." Nakita niya ang hawak kong sulat niya. He looked into my eyes searching for any reaction but I made sure my face is as stoic as I can pretend it to be.

"You have visitors. Your parents are here to see you. Should I bring them here or. . . are you strong enough to go downstairs?"

My parents. Am I ready to meet them and accept everything that I have just discovered? Ngunit kung hindi ngayon, kailan pa?

"Stop patronizing me Warren. I'll go down in a minute. Just, get out of my room." Kahit hindi naman talaga ako galit sa kaniya, gusto ko pa rin siyang pahirapan. Kahit alam ko na ang mga dahilan niya, mali pa din ang mga ginawa niya. Ayoko din na maisip niyang maayos ang lahat sa isang sorry lang.

"We'll just wait for you downstairs." Ang kanina'y excited niyang tinig nang makita ako ay napalitan ng pait at lungkot. Kailangan hindi ako magpaapekto.

"Don't bother joining us. I can talk to them myself. I know your side of the story when I read your letter. I can just ask them the other details if needed. I don't need you."

Nakita ko ang pagngiwi ng kaniyang labi at pag-iba ng kaniyang tingin. Nasaktan ko siya. Bigla itong yumuko at tumalikod. Ibang iba sa Warren na kakilala ko na matapang at sigurado sa sarili. Ngayon, para siyang batang paslit na napagalitan.

Humiga muna ako sa kama at tumingin sa kisame paglabas niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, magkahalong kaba, excitement at pangungulila. Inuulit-ulit ko sa aking isipan ang mga nangyari ng nakaraang mga araw. Ang mga dokumento, ang mga inamin ni Warren, ang nilalaman ng kaniyang liham. I decided not to ask questions anymore. I will just accept the things I know for now. I want time to reveal everything to me in it's own pace.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nag-ayos na din ako para makaharap ang aking mga magulang.

Habang pababa ako ng hagdanan, nakita ko na ang isang napakagandang babae na yakap yakap si Warren. Hawak rin ng isang matikas na lalaki si Warren sa balikat na para bang inaalo. Teka, umiiyak si Warren?

Pinaiyak ko ba siya o baka naman sila? Huminto muna ako habang hindi pa nila ako nakikita. Hindi sinasadyang narinig ko ang kanilang usapan.

"I love her so much Ma. I don't know if I still have a chance."

"Son, you know that she's the only one who can decide who to love. If she chose to forgive you, you have to make it up to her."

"After all that I have done? Will she still accept me?"

"Time heals all wounds Warren. Even our old wounds are starting to heal." Ang matandang lalaki ang nagsalita.

Nagkatinginan naman sila at tumango si Warren.

"I haven't said thank you to both of you for raising me as your own. But I am really grateful that I still have you both even after everything that I did in the past. I am really sorry for everything."

"We were also at fault, we shouldn't have disowned you when we've learned the truth. We later realized that you will always be our son regardless of your real identity."

"We failed you Son, we tried to be good parents but ended up hurting you in the end."

Lalo pa silang nagyakapan tatlo. Parang isang scene sa pelikula. Nakaantig ng puso. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila sa nakaraan ngunit nakita kong malalim ang sugat nilang lahat at ngayon ay unti-unti pa lamang naghihilom. Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap, nagpunas ng luha si Warren at ang magandang babae.

The Billionaire's BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon