33-Haunting

4.5K 119 5
                                    




Isang linggo ring nanatili sa amin sina Marie, Rovic, Sandra at Karen. I insisted to tour them kahit hindi ko naman alam ang mga tourist spots doon. Sinamahan naman kami ni Mama. Pinayagan ako na bumalik na ng Pilipinas. Balak ko kasing sorpresahin si Warren ng isang Engagement Party sa Manila.

Sabi kasi ni Marie, makakatulong rin sa business ni Warren na malaman ng mga tao na ikakasal na siya. Pabor naman sa akin iyon dahil malalaman rin ng mga hitad at linta na gustong umagaw sa kaniya na hindi na siya available.

I planned the party with Marie dahil hindi naman talaga ako marunong sa mga events planning. Kailangan ko na rin matuto para next time kaya ko na mag-isa magplan and execute ng mga birthday party ng mga magiging anak namin ni Warren.

Oo. Siyempre dapat laging handa. Think about the future din 'pag may time.

Warren: Sorry Love, I've been very busy lately. How are you?

Denisse: Good. Don't worry about me. I will be home soon. Just a few more days.

Hindi ko pa kasi sinabi na nasa Manila na kami. Buti at winarningan ako ni Rovic na may tracker ang cellphone at tablet ko kaya't bumili ako ng bago at inilipat doon ang sim card. Ang lumang cellphone ay iniwan ko sa Luxembourg para hindi ako mabuking.

Para sa surprise, kailangan ko masigurado na aalis siya ng bahay maghapon dahil iseset up na namin ang venue today.

Warren: Great! I can't wait to see you. I miss you so much.

Denisse: I miss you too. Can I ask you a favor?

Warren: Yes anything.

Denisse: Will you look for a beach house for us but just there in Luzon so it's near the city? Like right now? I will wait for the pictures. I don't want anyone doing that for us. I want it to be you.

Warren: Sure. I am not busy today and have the perfect idea on which beach to look at.

Denisse: Great! Thank you! I have to go now baby. I'll call you later. I love you!

Warren: I love you more.

Buti nalang madaling utuin ang mahal ko. Kung hindi baka nagduda na ito.

True to his word, umalis nga si Warren at nagpunta sa mga potential beach houses. Marami na din siyang naipadalang pictures sa akin kaya't alam kong malapit na itong bumalik. Sakto lang naman dahil pa-gabi na rin naman at nakahanda na ang lahat.

Isa na lang ang kailangan ko but I forgot to bring a paper and pen with me to complete my surprise. I went to his Study para doon na isulat ang surprise ko kay Warren. I made a poem for him habang nasa eroplano pauwi gamit ang cellphone ko. Hindi man ako magaling sa music pero marunong naman ako magsulat ng kahit konti.

I was browsing through his drawers when I saw some pictures and newspaper clippings. I was curious kaya't kinuha ko ang buong drawer at itinaktak sa ibabaw ng lamesa lahat ng laman nito. Sana pala ay hindi ko na lamang ginawa dahil what I saw will haunt me for the rest of my life.





***

A/N: The END

The Billionaire's BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon