22-Reprieve

7.9K 182 2
                                    



Ang pakiramdam ko nang marining ko lahat ng sinabi ni Warren ay para akong nauupos na sigarilyo. Lahat ng nalalaman ko na akala ko ay totoo ay unti-unting natutupok at nagiging abo.

Hindi ko alam kung sino ako, ano ba ako, paano nangyari lahat ng ito. Sinubukan kong intindihin ang mga sinabi niya ngunit isa lang ang conclusion sa lahat. Niloko niya ako. Trinaydor. Hindi man masama ang intensiyon niya ngunit hindi rin naman naging mabuti ang kaniyang pamamaraan.

Gustuhin ko mang magalit sa kanya, hindi ko magawa. Totoong mahal ko siya. Kaya ako gulong gulo ngayon dahil hindi ko kayang saklawan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ngayon pang nalaman kong may pagtingin rin pala siya sa akin. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay natulungan niya ako noong mga panahong hindi ko alam kung paano ako babangon.

I was so lost when my parents died. Even my friends hindi alam paano ako tutulungan. Siguro dahil hindi naman ako humingi ng tulong. Ayaw ko magpatulong kahit kanino. Sapat na sa akin noon na they were there for me.

Kahit ganoon pa man, sa lahat ng pagkakataon na kinailangan ko ng tulong, may dumarating. Akala ko dati dahil iyon sa panalangin ko. Divine intervention. Hindi pala. Dahil pala iyon lahat sa kaniya.

I felt like I was in a trance. Wisps of my past started to haunt me one by one.

"Miss Abucay, your parents used this house as a collateral for a loan. We have no choice but to foreclose this property as payment. You have one week to vacate the premises. Sad to say, the value of the house is not enough to repay the loan so we have to include everything of value."

Mag-iisang linggo na noon hindi pa ako nakakahanap ng lilipatan. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko ang nangyari. Sabi ko noon gagawan ko muna ng paraan. Last resort ko na lang ang humingi ng saklolo. Malapit na akong mawalan ng pag-asa nang may nakasulubong akong babae sa daan malapit sa amin. Si Mrs. Santos.

"Miss, pasensiya na pero hindi ko maiwasang mag-alala kung bakit parang mabigat ang iyong problema."

Mukha naman siyang mabait kaya't napaamin ako.

"Naghahanap ho kasi ako ng malilipatan kahit maliit na kwarto lang. Pinapaalis na po kasi ako sa bahay namin na naremata ng bangko."

"Naku, ganoon ba. Tamang tama! Nakita mo ba itong karatulang ito? Kakakuha ko lang, ipinagawa ko kasi doon sa may taga-pinta doon sa kanto."

"Room for Rent. Lady Border Needed."

"Ahm gusto ko po sana kaso may isa pa po akong problema, wala pa po kasi akong pangdown. Naghahanap rin po kasi ako ng trabaho. Kakatapos ko lang po kasi ng Highschool medyo mahirap po pala mag-apply."

"Huwag ka mag-alala. Bayaran mo na lamang ako pag nagkaroon ka na ng pera. Nasasayangan lang kasi ako sa spare na kwarto sa bahay kaya ipaparenta ko sana, pero hindi naman ako nagmamadali sa bayad. Mukha ka namang mabait at mapapagkatiwalaan."

"Naku Misis, maraming salamat ho. Kahit hindi pa po tayo magkakilala ang laking tulong po nito sa akin. Ako nga po pala si. Denisse."

"Mrs. Santos naman ang pangalan ko. Sandali, ito ang address ng bahay."

Ngayon ko lang din naisip na bakit dala dala niya agad ang isang papel na may address ng bahay, kung may kinuha lang sya sa kabilang kanto gaya ng sinabi niya.

May isang time pa na may kausap siya sa telepono na hindi sinasadya kong narinig.

"Sir, Everything is according to plan. I'll take care of her don't worry. Thank you for paying in advance."

Posible kayang si Warren ang kausap niya? Kakalipat ko lang kasi noong time na iyon.

Wala na din sana akong balak mag-aral dahil wala na ngang tutustos sa pag-aaral ko. Wala pa din naman akong mahanap na trabaho na may maayos na kita dahil Highschool lang ang natapos ko. Isang araw ay may dumating na sulat sa bahay nila Mrs. Santos.

Nagtaka rin ako noon kung paano nalaman ng College of Saint Bernadette na doon na ako nakatira. Wala namang nakakaalam ng nilipatan ko sa Marikina kundi si Karen at Sandra. Hindi ko na lamang masyadong inisip noon dahil masaya ako na nabigyan ng chance for full scholarship at doon pa mag-aaral ang dalawa kong kaibigan. Hindi na ko nagtanong dahil sabi kasi sa sulat, lahat raw ng Valedictorian ng mga kalapit na Highschool ay inimbitahan nila as scholar. Funny pala talaga ako kahit noon pa. Funnywalain.

"Ms. Abucay, you have no credentials yet to prove your skills. Why should we hire you?"

"I am a very motivated and dedicated person. You can see in my highschool performance that I want to be always on top of the game. I am a responsible and hardworking individual who can work independently if given the chance to work in this company."

"Alam mo, I like you pero hindi ka kasi bagay sa trabaho na inapplyan mo. Full time sales personell kasi ang kailangan namin. Wala ka bang balak magtapos ng Kolehiyo?"

"Ma'am mayron naman po. Sa katunayan ay nakatanggap po ako ng scholarship. Kailangan ko lang po itong trabahong ito para matustusan ko ang mga iba ko pang pangangailangan."

"Dahil nakita ko naman na mukhang pursigido ka, bibigyan kita ng chance pero hindi as full time employee. Part time lang para tuwing weekend ka lang kailangan pumunta. May opisina rin kami ng Sabado ang Linggo. Clerical work ang gagawin mo. Ang benepisyo at sahod ay konti lamang ang diperensiya sa full time kaya't sa palagay ko hindi na masama kung tatanggapin mo."

Hallelujiah! Feeling ko noon tumama ako sa sweepstakes, dahil sa loob ng isang linggo matapos ko malamang wala na pala akong tirahan, pera at pag-asa, lahat ng pangangailangan at panalangin ko ay nagkaroon ng kasagutan.

Sobrang swerte ko sabi ko sa sariili ko. Iyon pala may tagapag-alaga pala ako. Masarap sana isipin kaso lang hindi ko pa din maintindihan kung bakit at paano niya nagawa lahat ng iyon, sa loob ng apat na taon.

There was one time, pumasok ako sa opisina, nagkakagulo ang mga babae. May dumalaw raw kasing artistahing foreigner the day before. Sobrang guwapo raw at mayaman. Nakipag-usap sa may-ari, closed door daw. I wonder if si Warren din iyon. Baka nga siya din iyon dahil sabi niya he used his connections to ensure that I am well taken cared of.

All this time, I thought I was independent. Lahat pala iyon orchestrated to make me believe na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa kahit hindi naman pala. The way I feel right now is slightly similar sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. The death of my adoptive parents. I felt betrayed by fate.

Was it also fate who brought Warren to me in my direst time of need? Sana. Sana ay destiny lang ang may kinalaman.

After a few days of thinking about everything. I realized, I can still give him reprieve. Baka sakaling mas maintindihan ko pa ang lahat kapag pinabayaan ko ang sarili kong tangayin muna ng agos.

Sabi nila the truth will set you free. Sana. Sana nga ay makalaya na ako sa lahat ng kasinungalingan na kinagisnan ko. 

The Billionaire's BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon