28-Mirrors

7.5K 181 12
                                    


Dahil sa nangyari sa ospital, ipinasya kong magpahinga muna at huwag muna kaming magdinner sa labas ni Warren. Nanghina kasi talaga ako sa nangyari. Bukod sa epekto ng phobia ko ay emotionally draining rin sa akin na makita ang isa sa taong malapit sa akin na naghihirap at nasasaktan.

Kinuha ko ang cellphone na binigay ni Warren.

Denisse: I have to cancel on our dinner.

Warren: No worries. Mama already told me what happened and I understand.

Denisse: Thank you.

Warren: Rest well and I'll see you when I get home.

Denisse: Take care.

Warren: Always. For you.

Three words na malayo naman sa I love you pero same lang ang epekto sa akin. Pinapakabog masyado ang puso ko.

Matapos kong magshower at magpalit ng damit ay tinangka kong matulog. Pero hindi ako patulugin ng aking diwa. Iniisip ko kung hindi ipinadala ni Kristoff ang mga dokumento na iyon, aamin kaya si Warren sa akin? Hanggang kailan kaya niya ako planong lokohin?

Bumaling baling ako sa aking higaan. Pilit kong iniisip kung may mga bagay pa kayang itinatago sa akin ang taong mahal ko. Kinuha ko ang calling card ni Marie. Kailangan ko ng point of view ng bestfriend ni Warren.

"Haller? Who's this?"

"Hi Marie, Denisse 'to."

"Denisse! Nice of you to call. Anong problema? Bibitayin ko na ba si Warren? Pinaiyak ka na naman ba niya?! Lagot talaga sa akin ang taong iyan hindi na nadala! Tapos pag nasaktan ka naman niya at kapag nagalit ka kung makaiyak parang babae!"

Hindi ko maiwasang mapangiti.

"No. Medyo ok na kami. Nag-uusap na. Kaso lang hind ko maiwasang maisip na baka may itinatago pa siya sa akin na makakasira ulit sa aming dalawa."

"Naku girl. Knowing Warren, he is the most secretive person na kilala ko. Marami iyang pasabog sa buhay. I just want you to be more patient with him. Please promise me you'll try and be patient. Marami kasi talagang hang-ups sa buhay iyan eh. Minsan kahit kami ni Rovic gusto na namin siyang ibitin patiwarik para lang magtanda."

"Paano kung hindi ko kaya intindihin siya?"

"Wala na tayong magagawa kapag ikaw na mismo ang sumuko. Pero alam ko rin Denisse kung gaano ka niya kamahal. Kulang na lang sambahin niya ang daanang niyayapakan mo. Oi, hindi ako nagbibiro huwag mo kong pagtawanan ha. He placed you on a pedestal long before you met him. So when the time comes na kailangan mong mamili kung siya ba o ang feelings mo. Please consider mo sana na everything happens for a reason. I believe na destined kayo for each other. Pak na pak!"

"Hala siya. Akala ko kapag tumawag ako sa iyo makakasagot ka sa mga katanungan ko. E bakit lalo pa yata ako naguluhan."

"Just let yourself love him freely. Don't be scared of getting hurt because that is part of life. You'll just have to learn to accept and deal with it."

"Haaay. . . obvious bang mahal ko?"

"Naman! The way you look at him, SPG!"

"Uy grabe ka naman!"

"Joke lang. Parehas naman kayo. Kahit alam kong may dugong bughaw kayong dalawa, iisipin kong mas mayaman pa kayo. . . dahil may sarili kayong mundo!"

"Grabe siya o."

"Sana naman magpakasal na kayo, iyong totoong kasal. Ako gagawa ng entourage mo ha."

"Grabe ka naman, hindi pa nga nanliligaw kasal agad?!"

The Billionaire's BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon