34-Hatred

6.5K 149 8
                                    




I saw newspaper clippings of the accident that killed my parents. Nakita ko rin ang litrato ko four years ago sa libing nila. Ang pinakamasakit ay nakita ko rin ang Commencement Excercises Invitation na akala ko ay naiwala ko na. Hinding hindi ko makakalimutan iyon dahil iyon ang huling ala-alang iniwan nila.

"Bakit? Paano ito napunta dito? Warren. . ."

"Denisse? Denisse! Sorry I saw the Engagement party.  . ."

Natigilan siya nang makita niya ang mga hawak kong litrato at invitation.

"Why? Who are you?"

Para siyang binuhusan ng asido sa sobrang takot at kaba.

"Denisse. I'm sorry. I didn't mean for that to happen. I was drunk and wasted. I was so depressed. . .I don't know what came over me to try and kill myself that day."

Bumalik sa akin ang nakaraan. All the pain and heartache came back in an avalanche. Kasabay ng pagbalik ng galit at pagkamuhi ko sa taong nasa harapan ko.

Sa dinami dami ng araw bakit ngayon pa.

Naramdaman ko ang kakaibang sakit. Wala akong nagawa kundi pabayaang pumatak ang luha sa aking mga mata. Animo'y isang bangungot na sa matinding kagustuhan kong kumawala ay nilalamon ako ng kadiliman. Sa bilis ng aking pagtakbo papalayo, papalabas ng bahay na iyon, di ko na inalintana ang lakas ng ulan. Di ko man malaman kung saan ako pupunta, tinuloy ko pa rin ang pagtakbo, sa pag-asang makakatakas ako sa panibagong hapdi na dinulot nya sa aking puso.

O sige, OA na kung OA, pero sobrang sakit naman.

Akala ko ay may pag asa na. Lahat daw ng bagay nagagawan ng paraan. May solusyon raw sa lahat ng problema.

Pero sa pagkakataong ito. Masasabi kong kailangan ko na sumuko. Kung hindi ay mauubos ang katinuan ng isip ko. Hindi ko alam kung ano pang sekreto ang matutuklasan ko.

"Denisse!"

Kung sana ay nagfocus ako noon sa sports kaysa isinubsob ang sarili sa pag-aaral nakatulong sana sa sitwasyon ko ngayon. Binilisan ko pa ang pagtakbo nang marinig ko ang tinig na gusto kong takasan.  Ngunit mabilis sya at maliksi.

"Please Denisse! I want to explain."

Naabutan nya ako. Hinila at pilit na niyayakap. Pero hindi ako nagpatinag. Nagpupumiglas ako habang kaya ko pa. Nararamdaman kong nauubos na ang aking lakas. Kasabay ng pagkaubos ng paniniwala kong mababago ko pa ang mga bagay bagay.

"No need to explain. I get it now."

"No. I love you!"

Pwede namang sumagot ng I love you too pero nangibabaw ang galit na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.

"Adik ka ba!? Ngayon mo pa sasabihin sa'kin yan? Matapos lahat ng ginawa mong hayup ka!"

"Denisse. . ."

Sa sobrang pagiyak ko napayakap sya lalo sa akin.

"Wala kong pakialam kung hindi mo ko maintindihan. Igoogle translate mo kung gusto mo o maghire ka ng interpreter. Pero peste ka sa buhay ko! Puro sakit lang dinulot mo sa kalooban ko tapos sasabihin mo mahal mo ko? 'Wag ako!"

"Denisse."

"Sabi nila be patient raw ako sayo. Sabi nila time will come magbabago ka din. Pero ano na naman to?!"

"Denisse. . ."

"Sasabihin mo yan dahil lang aalis na ako? Sasabihin mo dahil lang nagagalit na ako! Finally nagalit na'ko. Sinagad mo na eh."

"Denisse. . ."

"Ano to roll call? Isa pang tawag mo ng Denisse bibigwasan na talaga kita! Wala kang kwenta! umph..."

The Billionaire's BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon