8-Flames Hope

8.7K 219 11
                                    



"Friend bakit ang aga mo naman bumangon. Sabi mo kagabi wala ka nang trabaho?"

"Ipapasundo kasi ako ni Warren. Buti na lang may ilang damit pa akong naiwan dito. Kukunin ko na ha. Magiiwan lang akong isang pares para pag mag-overnight ako ulit."

"Sure ka bang makakapag-overnight ka pa dito sa amin? Hala! Lagot nga pala ako kay Kuya pag nalaman niyang engaged ka na."

"Malayo naman kuya mo hindi ka naman niya mababatukan."

"Ay nalimutan ko sabihin sa iyo. Uuwi pala siya next month. Magbabakasyon daw tapos liligawan ka na kasi graduate ka na 'diba at iyon raw ang condition mo para magpaligaw sa kaniya."

Hala! Lagot na! Nakalimutan ko na ang pinagusapan namin ni Kristoff two years ago. Well, sinabi ko naman kasi iyon para hindi siya masaktan. Ayaw niyang maniwalang kapatid ang turing ko sa kaniya.

"OMG, this is trouble. I can feel it Denisse. Kuya Kristoff has been your admirer since highschool."

"Oo nga friend, hindi natin naisip ito kagabi. Baka maghurumentado ang kapatid ko. Tuwing tatawag pa naman iyon mula Australia, ikaw ang tinatanong."

Lagot na. Nakalimutan ko talaga. Ayoko naman maging bida sa isang love triangle. Bakit unti-unting nagiging teleserye ang buhay ko?

"We can't tell him yet. Or else, he may come here earlier than expected. We still have time to prepare."

"Ewan ko ba naman sa kuya ko. Sinabi ko na ngang hindi mo siya type at ang weird kasi kapatid ko siya at mas matanda siya sa iyo. E mapilit. Ikaw raw ang soulmate niya at destiny niya."

"Sa sobrang tagal niya sa Australia, diba mag two years na rin siya doon? Di pa sya nakakilala ng iba? Umaasa pa naman akong doon na siya makakameet ng girlfriend para hindi na ako kinukulit niya."

Naalala ko na nagpropose nga pala si Kristoff sa akin bago umalis. Gusto niya na nga akong pakasalan para maisama sa Australia. Akala ko noong una ay joke lang na may gusto siya sa akin since highschool. Totoo pala. Kaya pala lagi siya may regalo sa akin na chocolates na ang mga kapatid din naman niya ang kumakain.

Kahit mabait at responsableng panganay na anak si Kristoff. Kuya at kapatid talaga ang tingin ko sa kaniya. At iba ang priorities ko dati. Gusto kong umunlad ang buhay ko sa sarili kong sikap.

Pero ano ako ngayon at kinakailangan ko pa pumatol sa isang agreement sa taong hindi ko lubos na kakilala para umangat sa buhay? Siguro dahil totoong na love at first sight ako kay Warren ang hoping na magkatuluyan talaga kami.

"Sige iFLAMES HOPE natin sila kuya at Denisse at si Warren at Denisse."

Nakakatawa talaga itong si Karen.

"Hahaha. Hanggang ngayon idinadaan mo pa rin sa FLAMES HOPE ang mga bagay."

Iniwanan ko silang dalawa sa kuwarto para makaligo na ako at makapaghanda sa first day ko sa trabaho. Oo. Iisipin ko munang trabaho ito at hindi mission impossible. Main mission: akitin si Mr. Destiny.

"Hi Ate Denisse. I heard what happened sa house mo. I'm sorry. Buti safe ka."

"Thank you Karla. Okay naman ako."

Niyakap pa niya ako. Kaya gusto ko dito sa bahay nila Karen itinuring nila akong pamilya. Kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin kay Kristoff.

"Sige ate, una na ako may pasok eh."

"Ingat ka."

Pagkatapos ko maligo, napasukan kong tawa ng tawa ang dalawa sa kwarto.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Ito na results mo. Kawawa ang kapatid ko kahit sa FLAMES HOPE bokya siya. FRIENDS ang lumabas pag si Kuya ang kasama mo tapos ENGAGED naman pag si Warren."

Napangiti ako.

"Teka huwag ka muna kiligin kasi mali pala ang ginawa ko noong una. Nalimutan ko na kasi. Kaya nga kami tawa ng tawa."

"Ito talaga, sa FLAMES, kay Kuya ANGRY ang lumabas, pag kay Warren, LOVE. Tapos sa HOPE, HINDI kay Kuya tapos EWAN kay Warren. Pag total na FLAMES HOPE, FRIENDS kay Kuya tapos EWAN pa rin ang kay Warren."

"See? Even your FLAMES HOPE is not sure of what you are about to do."

"Talaga naman kayo oh, batayan na ba ang FLAMES HOPE ngayon?"

"Uy totoo ito ah. Marami na akong kakilalang nagkatuluyan dahil sa FLAMES HOPE."

Napatingin ako sa kaniya. Nagpipigil siya ng tawa.

"Wahahaha. Syempre joke lang. O sige na mag-ayos ka na malapit nang mag nine."

"Nakaayos nako."

"Ano!?"

"Are you kidding me? You won't even wear anything pretty or put a dash of makeup?"

"Ito lang ang damit ko dito, pantulog na ang isa. Ano naman ang masama sa shorts at t-shirt?"

"Okay ka lang? Billionaire daw ang fiancée mo tapos ganiyan itsura mo? Sa face mo okay lang walang makeup kasi maganda ka naman kahit ayaw mong maniwala."

"Okay na ito. E sa wala akong gamit bakit pako magpakahirap."

"I'll lend you mine. I have some dresses in my car."

"Huwag na Sands, Okay na ito. Kung mamahalin niya ako dapat mahalin niya ako ng kung sino ang tunay na ako. Charot! Hahaha."

"Pacharot charot ka pa diyan e nagninigning naman ang mga mata mo habang sinasabi mo."

"Malapit na kaming maniwala na inlove ka nga talaga."

"Seriously friend, don't hesitate to call us if you have problems living with that guy ha. One week na lang ang classes natin and sabi mo hindi ka naman aattend ng graduation, baka hindi ka na naming makita."

"Correction. One week na lang ang klase namin ni Sandra. Diba may Geo ka pa another week pa."

"Aarrgh! Nalimutan ko na naman. Kung bakit kasi kinuha ko pa ang Geo na subject as extra class e mahirap pala."

"Gusto mo ba ipaalala ko kung bakit?"

"No! Let me, because she has a crush on the professor!"

"Pssst! Huwag nga kayong maingay baka may makarinig."

"Ma'am Denisse, may naghahanap po sa inyo."

"Uy ayan na ang sundo ko."

"Hatid ka namin sa labas. Si Warren ba?"

"Baka hindi kasi Driver lang naghatid sa akin kagabi."

"Let's go."

Yumakap muna ako sa dalawa kong kaibigan. Kahit chararat ang bibig ng dalawang ito, hinding hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino. 





The Billionaire's BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon