Nagsimula dito ang aking bangungot.
"Ma, Pa, mauna na po ako umalis. Susunduin po ako ni Sandra. Sabay na kami pupunta ng school. Wala rin kasi parents nya nadelayed po ang flight hahabol na lang raw po doon from the airport."
"Sige anak. Tatapusin lamang namin ang pageempake para diretso na tayo ng Baguio. Hintayin mo kami ha. Wag ka muna mag Veledictory speech ng wala kami.
"Siyempre naman po Mama. Kayo ni Papa ang inspiration ko dapat marinig ninyo ang speech ko. See you later po."
"Ingat kayo anak. Lagi ka mag-iingat ha. We love you so much."
"I love you both din po sobra." Niyakap ko sila at hinalikan tig isa sa pisngi.
Bago ako umalis ay niyakap nilang muli ako.
Matatapos na ang ceremony, bakante pa rin ang dalawang upuang para dapat sa kanila. Hindi ko sila matawagan dahil wala naman kaming cellphone noong time na iyon. Umaasa lang ako na aabot pa sila kahit makapagpapicture na lang.
Kinakabahan na rin ako dahil hindi naman talaga nalelate ang parents ko sa mga events ko sa school. Lagi silang present sa lahat ng awarding ko. Kahit busy silang dalawa sa trabaho, hindi nila ako pinabayaan sa mga ganoong oras.
Natapos na ang Graduation, wala pa rin sila.
"Friend, mauna na kami sa'yo. Bakit wala pa sila Tita?"
"Di ko alam Karen. Hintayin ko pa sila baka may dinaanan lang or natraffic."
"Sure ka ba? Sumama ka na lang sa amin. Gusto ka naman kasama ni Kuya. May crush sa iyo iyon eh natotorpe lang magsabi."
"Sira! Hindi pwede baka dumating sila Mama. Congrats ulit friend!"
"Salamat. Congrats friend kong Valedictorian! O sige na babye na. Nauna na nga pala si Sandy kasi sinundo na niya parents niya sa airport. May malaking aksidente raw kasi sa Edsa ngayon sabi raw ng mga taxi driver sa airport, ayaw yata sila isakay. Kaya matatraffic sila 'pag pupunta pa dito un parents niya."
"Ganun ba. Sige ingat!"
Aksidente? Baka doon na-traffic sila Mama at Papa. Sana makarating na sila.
"Miss Denisse Abucay?"
Pagkakita ko pa lamang sa mga papalapit na Pulis ay kinabahan na ako. Kumislot ang puso ko sa sobrang kaba. Huwag naman po sana.
"Opo."
"Nakita po naming ang Invitation na ito ng Graduation sa kotse ng parents n'yo. Huwag po sana kayong mabibigla. Nasa ospital po sila ngayon dahil sa isang aksidente. Maari po namin kayong ihatid doon. May kasama po ba kayo?"
Kung hindi ako nahawakan sa braso ng isang pulis, baka tuluyan na akong bumagsak. Nanghina ako sa narinig kong balita. Umiling-iling lamang ako bilang tugon na mag-isa lamang ako. Mag-isa. Nag-uunahan nang tumulo ang aking mga luha, habang nananalangin na sana ay makaligtas sila. Nakita ko na may bahid ng dugo ang invitation na iniabot sa akin na lalo ko namang ikipinanghina.
"Magpakatatag po kayo ma'am. Tayo na po sa ospital."
Pagdating ko sa ospital nasa Operating Room pa sila Mama at Papa. Critical raw ang lagay sabi ng Nurse na nakausap ko.
Gusto ko pa sanang magtanong sa mga pulis ukol sa nangyari ngunit para akong lumulutang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at uunahin. Nadudurog ang puso ko habang tinititigan ang kapirasong papel na huling hawak ng aking mga magulang.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bond
General FictionCOMPLETED FULL STORY Denisse Abucay doesn't know what trouble was until she met the man of her dreams. Once leading a boring and predictable life, she embarked on a different kind of journey with Warren Ellison. Will her sanity be the price to pay...