While I'm walking down the aisle, everyone's smiling at me. Lahat sila mga nakaputi... Blurred man sila sa paningin ko pero alam ko na nakangiti sila sa akin. Siguro dahil sa luha ko kaya nanlalabo 'yung paningin ko... I smiled back at them.. Feeling ko, diyosa ako. OO! Diyosa. Ibang-iba ang level kung ikukumpara mo sa mga princess. Ibang level ang "Diyosa." Feel na feel ko pa itong hawak kong bouquet of pink roses. Whooop! Todo na 'to!Abot hanggang tenga ang ngiti ko dahil alam kong naghihintay na sa akin sa altar ang prince charming ko..
♪ Here comes the bride
5 Months inside
4 months to go for the birth of the child.. ♪
Ang creepy n'ung song but I don't mind. Nakafocus lang ako sa lalaking naghihintay sa akin sa altar...
Si Kean Isaiah Monteverde.
Ang lalaking pinapangarap ko.
And when he reached my hand..
HEAVEN! ^______^
"Tanya, take this ring as a sign of my love and loyalty. I promise to love you, in sickness and in health, till death do us part."
Now, it's my turn.
"Kean, take this ring as a sign of my love and loyalty. I really really promise to love you, for better or for worst, in sickness and in health, till death do us part."
"You may now kiss the bride."
Iniangat na niya 'yung belo ko..
I smiled at him..
"I LOVE YOU.."
He just smiled and said..
"HOY! TANGHALI NA! GUMISING KA NA D'YAN!!!"
Teka...
Bakit nag-iba ang boses ni Kean?!
"UWAAAAAAH!" *O*
"Hoy! Bata ka! 6:45am na! Kanina pa kita ginigising d'yan! Late ka na. Akala ko ba ngayon ang stage play niyo?"
Si mama pala 'yun. Shocks! PANAGINIP LANG PALA.
AKALA KO, TOTOO NA!
4th year pa lang ako pero 'yun na nasa isip ko. Leeeche! And of all people, bakit si Kean Monteverde pa? Walanjo!
ANG LALAKING MAHANGIN NA 'YUN?!
NO WAY.
"Tss. Opo." T__T
Ay! 6:47am na!
"Anak ng-! Late na ako!"
Ligong uwak na ang gagawin ko..
Nakakainis talaga! Bakit ganun 'yung panaginip ko?!
Siya lang naman ang number one enemy ko, lagi akong binabato ng papel! As in yung mga nakalukot na papel. Ewan ko nga ba kung bakit.. Nabubwisit nga ako, e. Kaya binabato ko rin pabalik sa kanya 'yung papel. Ngingiti lang siya tapos iiling.
Ganun siya kabwisit.
Laging ganun. Pauli-ulit. Para nga raw kaming aso at pusa. At kapag binabawal na kami ng mga kaklase namin, tinitingnan ko siya lagi nang masama. Tatawa lang ulit siya. At mas lalo naman akong mabubwisit.
BINABASA MO ANG
Compilation of One-Shot Stories
General FictionA mixture of ka-kornihan and a bittersweet side of love. Here's my one-shot stories. Enjoy. © AianneCasey