Pangarap Lang Ba Kita?

59 2 0
                                    

Heto na yata ang pinaka-CORNY na story sa balat ng Wattpad!

_____

Hanggang pangarap lang ba ang lahat ng ito? Hanggang pangarap lang ba ako sa kanya?


Nandito ako ngayon sa gym. As usual, taga-sigaw ako rito. Regular akong nakatambay rito. Taga-cheer ako kay Joshua, ang sikat na basketball player dito sa University namin.

Well.. Ano pa nga bang hahanapin mo sa kanya?

Matalino. Top siya sa klase nila.

Chinito. Lalo na kapag ngumiti siya, wala na siyang mata... Kaya baka hindi niya ako makita. Charot!

Moreno. Na mas lalong nagpalakas ng sex appeal niya dahil doon.

Magaling siya sa sports. Edi siya na talaga! :D

He's like...

TALL, DARK and HANDSOME.

He's every girl's dream. Siyempre, kasali ako sa mga nangangarap sa kanya.

Simpleng babae lang naman ako at hanggang paghanga na lang ako sa kanya. Malabong magustuhan niya ako.

Pangarap lang kita...

"Hoy HANNAHMICAELLAWONG!"

"Ay, pangarap lang kita!"

Ayun. Sinigawan lang naman ako Misha, ang makulit kong bestfriend.

"Ayan kasi, nakatulala ka na naman d'yan. Nakatutuwa kaya 'yung itsura mo. May pa-"pangarap lang kita" peg ka pa d'yan." Natatawa niyang sabi.

"E-eh.. Wala lang yun. K-kumakanta lang ako."

"Sus. Palusot ka pa! Papasama sana ako sa canteen. Tutal, break naman nila. Bili tayong pagkain. Libre kita."

Tumingin ako kay Joshua, nakatingin din siya sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin. Syet. Kinabahan ako dun.. Nakita niya akong nakatingin sa kanya.

"Hoy! Okay ka lang ba?! Bakit parang namultla ka?!"

"A-ah. Eh. Wala. Tara na!"

Sumama na ako kahit na ayaw ko. Nahiya na ako kay Joshua eh. At saka narinig ko 'yung magic word niya na LIBRE. 'Yun 'yung pang-uto niya sa akin. Ganun niya ako akitin kasi kapag hindi niya ako ililibre ay hindi ko talaga siya sasamahan lalo na't pinapanuod ko si Joshua. At saka okay na ako. Tumingin na sa akin si crush. 

Maya-maya, tumunog 'yung cellphone ko.

At kahit mahal kita..

Wala akong magagawa..

Tanggap ko oh, aking sinta..

Pangarap lang kita..

Siyempre hanggang ringtone ko, nangangarap pa rin ako. Charot!

From: Unknown Number?

Sino 'to?

Binuksan ko..


Hi. Ako nga pala si NEIL.. Ang NEIL-laan para sa'yo. :)


Ngaks. Sino ba ito? At bumanat pa! Buti na lang at walang ginagawa sa school dahil foundation day namin kaya pwedeng mag-cellphone.

"Misha, may nagtext sa akin. Kilala mo ba kung sino ito?"

Pinabasa ko sa kanya 'yung text. Ngumiti siya.

Compilation of One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon