Special

60 1 0
                                    

"I'm starting to like you less..."

Pag narinig mo ba ang salitang ito, ano ba ang mararamdaman mo... Ikatutuwa mo ba o hindi?



Every person has a love story of their own. Some are just like a typical love story that we read on pocketbooks and some are those that we can watch on televisions, just like our favorite teleseryes or movies. It has an exciting beginning because the two people involve are so in love with each other. The happiest moments happen in the middle part as well as the saddest and before it ends, there will come a problem that will test how strong the love that the lovers have for each other.

Hi! I'm Janelle Leigh Villanueva, I also have this typical love story but for me, it's special...

SPECIAL.

SPECIAL.

SPECIAL.

SPECIAL MAMON!

Ano ba 'yan. Pagkain na naman ang nasa isip ko.

Nag-unat ako dahil kanina ko pa ginagawa ang essay ko tungkol sa love. Nagugutom na ako kaya pagkain na ang nasa isip ko. Umuulan na naman ng mga pakanang ganito ang mga teachers namin kasi month of February na. Tsk. Buti na lang may inspirasyon.

Tipikal na love story ang sinabi ko...  Kasi gaya ng iba, nagsimula lang kami as strangers. Pinakilala lang siya sa akin ng common friend namin... Nagpalitan ng number, text text, date date, sundo rito, ganun. Then 'yun! Nagkadevelopan! And he's  MARIO MAURER! Etchos! Ano ba 'yan!

Seryoso na nga..

Actually, my man is James Kurt Luz. He's H-O-T. As in!  love ko po 'yun. Kailangan ko siya i-build up sa inyo.

Tama na nga ang moment.

I'm so excited na kasi magva-valentines na!  Sa 2 taon ba naman naming pagsasama ni Alphabet, ( J-K-L kasi siya. :D ) Eh, 'di namang pumapalyang magbigay sa'kin ng chocolates and flowers 'yun tuwing sasapit ang ocassion na 'yun... Tapos kakain kami sa kahit saan namin maisipan.

PERO...

Ano kayang ibibigay niya sa'kin ngayon?

Something special kaya?

Let's see.

-----

DATE CHECK: February 13, 20**.

Nice. Love is in the air na.

Look at the people around me dito sa campus..

Kasa-kasama nila ang mga love ones nila..

Ako? Nga-nga. Si Boyfie? BUSY. Student council kasi siya. PRESIDENT. May program po kasi bukas at siya ang naatasan ng mga teachers na mag-organize nito. How sad naman. 'Di ko siya makakasama maghapon. Pero siya pa rin ang naghatid sa'kin pauwi. Bawing-bawi naman kaso pinauwi ko rin siya agad at alam kong pagod siya.

-----

And here it comes! VALENTiNES na! Nag-ayos pa talaga ako, dahil nga wash day ngayon (ibig sabihin, pwede kaming mag-civilian), pumorma ako. Kinulot ko ang dulo ng aking buhok, nagsuot ako ng ripped jean at tinernuhan ko ng off-shoulder na kulay peach ang kulay saka sinuot ko ang Converse ko na sapatos na gan'un din ang kulay. Nagpabango na rin ako siyempre para mabango ako.

Ano kayang ibibigay sa'kin ni Loves? Excited na ako! Tiningnan ko ang phone ko kung may text siya. Wala naman. Kaya pagpasok ko, hinanap ko siya agad. Wala pa yata siya. TSK!

Compilation of One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon